Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bike Wheel

Ulo ng biker napisak sa killer truck (Sa San Mateo, Rizal)

ISANG biker ang namatay nang magulungan ang kanyang ulo ng 10-wheeler truck matapos matumba habang nagbi-bike sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Martes, 21 Setyembre.

Kinilala ang biktimang si Hermiñano Cargullo, nasa hustong gulang, habang kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck na si Jobert Cortes.

Sa naantalang ulat ng pulisya, dakong 9:30 am, kamakalawa, nang matumba ang biktima habang nagba-bike sa Brgy. Maly, sa nabanggit na bayan.

Sa pahayag ng driver, hindi niya umano nakita ang biktima sa kanang bahagi kaya nagulungan sa ulo ng minamaneho niyang 10-wheeler truck.

Dahil sa nangyari, pisak ang ulo ng biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad na sumuko si Cortes na ngayon ay nakapiit sa detention cell ng pulisya. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …