COOL JOE!
ni Joe Barrameda
MARAMI na ring artistang naging biktima ng Covid. Pero imbes na ma-depress o mawalan ng pag-asa ay matapang nilang hinarap ito at lumaban sila upang mapuksa ang sakit. Gaya nina Kim Domingo at Rayver Cruz.
Kalaban mo lang talaga riyan ay depression dahil mag-isa kang nilalabanan ang sakit ng ilang Linggo.
May nakausap nga ako at napakahirap ng pinagdaanan niya sa karamdamang ito. Kaya matapos nilang gumaling ay very open silang ikuwento ang pinagdaanan nila para maging leksiyon lalo na roon sa mga ayaw magpabakuna o sa mga taong hindi sumusunod sa protocols.