Saturday , November 2 2024
DoLE, Bulacan

Bulacan, DOLE sanib-puwersa para sa ayuda (Para sa higit 400 benepisaryo)

SA PANGUNGUNA ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO), nabigyan ang 497 Bulakenyo ng ayuda at tulong pangkabahuhayan.

Sa idinaos na Singkaban Festival kamakailan, nakapaloob rito ang mga programa ng DOLE at PYSPESO na 227 ang napagkalooban ng Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) payout; 210 indibidwal ang sumailalim sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP); 50 estudyante na nagtapos para sa Special Program for Employment of Students (SPES); at ipinagkaloob ang 10 bisikleta at cellphone sa 10 piling manggagawang Bulakenyo para sa kanilang paghahanapbuhay katulad ng ibang transportation delivery service.

Gayondin, kabilang sa ibinabang ayuda sa 210 DILP ang mga sumusunod: 50 benepisaryo para sa hilot wellness massage kit; 50 indibidwal ang binigyan ng welding machine; 50 katao para sa mga gamit sa food processing; 40 sewing machines starter kit; tatlong Negokart para sa indigenous people ng Brgy. San Mateo, Norzagaray at 20 indibidwal para sa oven machine.

Samantala, tumanggap ng P4,200 ang bawat benepisaryo ng TUPAD na kabilang sa kumikita ng maliit na sahod o vulnerable na sektor habang P6,300 sa SPES.

Pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando, Bokal Alexis Castro at DOLE Bulacan Chief May Lynn Gozun ang nasabing programa.

Ani Fernando, “Purihin ang Diyos! Again, Lord, thank you sa mga grasyang ibinaba Ninyo sa amin. Maraming salamat sa ating Labor Secretary Silvestre H. Bello III at ating Senador Joel Villanueva na laging nakasuporta sa lalawigan ng Bulacan. Para po sa mga benepisaryo, sinupin at paunlarin po sana ninyo ang mga tulong na inyong natanggap para po sa ikabubuti ng inyong kabuhayan at pamilya. Patuloy po tayong magdasal, magpakatatag at malalampasan din natin ang mga pagsubok na ito.” (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *