Saturday , November 2 2024
Joy Belmonte, RPMD
Joy Belmonte, RPMD

Belmonte pa rin sa QC

HINDI natinag ng kahit anong paratang ng katiwalian, ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa Lungsod Quezon dahil patuloy nilang sinusuportahan ang mahusay na pamamahala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa huling resulta ng independent survey na pinangasiwaan ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa pamumuno ni Dr. Paul Martinez, muling nakapagtala ang Mayora ng malaking porsiyento kompara sa kanyang mga posibleng makatunggali sa darating na halalan sa susunod na taon.

Sa ulat ni Dr. Martinez, 52 porsiyento  ng mga taga-Quezon City ay patuloy na nagtitiwala at sumusuporta kay Mayor Belmonte para pamunuan ang kanilang lungsod.

Ito ay sa kabila ng mga paratang ng mga katiwalian na ibinabato kay Mayor Belmonte ng mga posibleng maging katunggaling politiko ng punong-lungsod sa darating na halalan.

“Mayor Joy Belmonte, the incumbent of Quezon City achieved a 52% mark lead,” ang nakasaad sa ulat ng survey nila Dr. Martinez.

Ganoon pa rin ang resulta ng survey na ang malayong pumapangalawa sa Mayora ay ang dating punong-lungsod na si Herbert Bautista, nakapagatala ng  21%, na sinusundan ni partylist congressman Michael Defensor, nakakuha ng 20%.

Ang huling survey ayon kay Dr. Martinez ay isinagawa noong 3 Setyembre hanggang  15 Setyembre 2021. 

Tinanong dito ang 5,750 residenteng registered voters, edad 18 hanggang 70 anyos, at kinuhaan ng kanilang mga opinyon hinggil sa kanilang napupusuang maging punong-lungsod.

Ang 52% na naitala ni Mayor Belmonte, ay nangangahulugang ang mga mamamayan ng Quezon City ay patuloy na naniniwala sa kakayahan ng Mayora na pamunuan ang lungsod sa pamamagitan ng mahusay at mabuting pamamahala.

Matatandaang sa unang survey ng RPMD na isinagawa mula 1 Agosto hanggang 10 Agosto 2021, nakapagtala rin si Belmonte ng 57% trust rating.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *