Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PRC LET

PRC ‘paasa’ sa muling kanselasyon ng LET

BINATIKOS  ni Senator Joel Villanueva ang Professional Regulation Commission (PRC) sa muli nitong pagkansela sa nalalapit na Licensure Exam for Teachers (LET), pitong araw bago ang schedule nito sa 26 Setyembre.

Tila “stuck in the past” ang komisyon dahil hindi pa rin nasunod ang mandato ng PRC Modernization Act of 2000 na nagtakda sa komisyon na gawing “fully computerized” ang pagsusulit, paglalarawan ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee.

“Ito pong mga postponement at cancellation ay nangyari na po sa nakalipas na halos dalawang taon. Nauunawaan po natin ang kaakibat na health risks sa pagsasagawa ng board exams,” ani Villanueva.

“Paasa. ‘Yan po ang description sa PRC ngayon ng ating mga kababayan. Ang problema, hindi lang naman po kumukuyakoy na naghihintay sa bahay ang mga examinees. Nagbabayad po ang mga ‘yan sa review centers, hindi pa kasali ang non-refundable P900 application fee nila sa PRC, at higit sa lahat hindi sila makapag-apply ng trabaho dahil wala silang mga lisensiya,” dagdag ni Villanueva.

Paliwanag ni Villanueva, “maraming LET takers ang sumailalim sa 14-day quarantine, bilang bahagi ng requirements ng PRC. Isang abala ang biglaang pagkansela sa LET, lalo sa mga takers na nag-leave pa sa kani-kanilang mga trabaho.”

Mula sa 101 board exams na nakatakdang idaos, 24 lamang ang natuloy, ayon kay Villanueva, matagal nang hiniling sa komisyon na ilatag ang malinaw na plano para isagawa ang mga board exams ngayong panahon ng pandemya.

“Wala pa rin pong ibinibigay na proposal ang PRC kung paano natin sila matutulungan. Wala rin po sa kanilang proposed budget ang computerization ng board exams,” ani Villanueva. “Nangyayari po ito kahit malinaw sa PRC Modernization Act na dapat minamandato ang full computerization ng board exams pagdating ng 2003.”

Ngayong halos dalawang taon nang paulit-ulit na nakakansela ang LET, dalawang taon na rin nabibitin ang mga teacher graduates.

“Hindi po makahanap ng trabaho ang ating mga teacher graduates, samantala hindi rin po makakuha ang iba sa kanila ng ranking sa DepEd.

“Hindi po makapag-renew ng kontrata ang ibang senior high school teachers sa DepEd dahil kailangan nilang kumuha at pumasa sa LET. Idinulog na po natin itong usapin na ito sa PRC noong Marso 15, 2021,” ani Villanueva.

“Tila nasa ‘wait and see’ lamang ang PRC. Habang patuloy ang pagtatapos ng mga graduates sa kolehiyo sa pamamagitan ng flexible learning, tila stuck in its old ways ang komisyon at humahadlang sa pagkakataong magkatrabaho ang ating fresh graduates,” ayon kay Villanueva.

“Hanggang kailan po ba mauunawaan ng PRC na hindi na maaaring ipagpatuloy ang kanilang nakagisnang paraan ng pagsasagawa ng board exams?” aniya. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …