Saturday , January 11 2025

Cayetano bet ng mga pastor na tumakbong presidente

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HABANG papalapit ang filing ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa nasyonal at lokal na posisyon para sa halalan 2022, hindi na rin tumigil ang bangayan at patutsadahan ng mga kakandidato lalo sa panguluhan.

        Tanging sa Filipinas na tuwing eleksiyon imbes mabubuting gawa ang itampok ng bawat politiko, mas inaasinta nilang halukayin ang baho ng kanilang kalaban o karibal.

Kaya hindi natin masisisi ang ating mga kababayan na maghanap ng alternatibong mamumuno sa ating bansa. Ang nangyayari kasi ngayon imbes magplano at pag-isipan ang kapakanan ng taongbayan, kaliwa’t kanan ang mga black propaganda na nagsasalimbayan laban sa bawat kampo ng mga kandidato.

Kaya naman umaksiyon na ang daan-daang pastor at kanilang mga simbahan para mag-endoso ng kandidato bilang pangulo ng bansa.

Hindi kukulangin sa 600 pastor at religious leaders kasama ang may 1,564 miyembro nila mula sa 562 simbahan  sa buong bansa ang lumiham kay dating Speaker Alan Peter Cayetano upang hikayatin na tumakbo sa presidential election.

Ayon na rin sa mga pastor, inaasahang darami pa ang mga pastor na lalagda sa naturang sulat dahil patuloy nila itong pinaiikot upang kumalap ng suporta mula sa iba’t ibang  bahagi ng bansa.

Ayon sa mga pastor, si Cayetano ang nakikitaan nila ng kakayahan na akayin ang taongbayan sa pananampalataya. Kailangan anila ng isang lider na magbibigay ng liwanag at pag-asa sa gitna ng dilim lalo na ngayong panahon ng pandemya.

        Inihalimbawa ng mga pastor ang patuloy na pamimigay ni Cayetano ng P10K ayuda upang maiahon sa kanilang sitwasyon ang ating ga kababayang iginupo ng pandemya. Dagdag pa rito ang inilunsad ni Cayetano na tulong-puhunan sa mga sari-sari stores na naapektohan din ng pandemya.

Hindi naman kasi tumigil ang dating speaker sa kanyang pagtulong kahit sa kasagsagan ng ECQ at iba pang restrictions.

        Swak na swak ang suportang ito ng mga pastor at iba’t ibang simbahan dahil kamakailan lang ay sinabi ni Cayetano na nais niyang magpatupad ng faith based at Bible centered na pamunuan.

Seryoso niyang ikinikonsidera ang pagtakbo bilang pangulo kasabay ng ginagawa niyang konsultasyon sa kanyang pamilya at mga tagasuporta sa buong bansa. Lalo na ngayong laganap ang bisyo, sugal, krimen at korupsiyon.

Iginiit ng mga pastor sa kanilang  sulat kay Cayetano, higit pa sa husay at talino, kailangan natin ng isang lider na may puso at malasakit sa kapwa at handang harapin ang mga pagsubok ng may pang-unawa at pagmamahal.

Kaya naniniwala ang mga pastor na si Cayetano ang hinahanap na lider ngayon ng bansa.

Tiniyak din ng mga pastor at religious leader ang kanilang suporta sa mga adbokasiya ni Cayetano na patuloy na tulungan ang ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan, mahigit 10,000 na ang naabutan ng tulong ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong kongresista ng 10K ayuda samantala mahigit 2,000 sari-sari store na rin mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kanilang naabutan ng dagdag na puhunan.

Kaya malaking hamon ito sa ating mga kababayan lalo sa mga botante dahil ngayong panahon ng pandemya, marahil ay kailangang ikonsidera na faith-based naman ang pundasyon ng pamunuan sa bansa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …

011025 Hataw Frontpage

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

HATAW News Team NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista …

Sarah Discaya

Karanasan, nag-udyok sa amin para magserbisyo sa Pasigueños — Sarah Discaya

MAHIRAP na karanasan ang nag-udyok sa aming pamilya upang tumulong at makapagserbisyo  sa mga Pasigueño …

BingoPlus International Series Philippines FEAT

The International Series adds Philippines with BingoPlus to its growing global footprint as part of exciting 2025 schedule

London, United Kingdom, 08 January 2025: The International Series breaks new ground in 2025 with …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *