Friday , March 28 2025
Phoebe Walker

Phoebe Walker, hataw sa kaliwa’t kanang pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAHIT matindi pa rin ang epekto ng pandemic dahil sa CoVid-19, thankful si Phoebe Walker dahil sunod-sunod na projects pa rin ang dumarating sa kanya.

Kabilang dito ang pelikulang Ukay-Ukay, Buy Bust Queen, at Faultline.

Nabanggit ni Phoebe ang reaction niya na sunod-sunod ang projects niya kahit pandemic.

Aniya, “I feel super blessed dahil kahit may pandemic, salamat sa Diyos at kahit paano may projects ako na dumarating every month or every other month. Happy po ako talaga na people in my industry trust me, and really look for me to play certain roles.”

Ibinahagi rin ng aktres ang mga projects niya ngayon.  

Wika ni Phoebe, “Isa po rito ang Ukay-ukay, I play the role of Joan, isang teacher na maalaga sa kanyang nanay na PWD, played by Yayo Aguila. Kaso pagkabili ni Joan ng damit sa ukay-ukay, tila may kababalag­hang kasama ang damit.

“Sa Vivamax po siya lumalabas ngayon.”

Pagpapatuloy pa ng aktres, “May bago akong movie na sisimulan ngayong Oktubre. Action ito at PDEA agents kami rito, kasama ko sina AJ Raval, Jeric Raval, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Ahron Villena, atbp. Buy Bust Queen po ang title nito.

“May isa pa akong pelikulang lalabas din, last movie directed by legendary director Toto Natividad, called Faultline. Nurse po ako rito at ang pelikula ay tungkol sa trahedya at maraming emergency procedures na ipapakita rito.

“Kasama ko naman sa movie sina Kiko Matos, Jeffery Santos, Don Umali, Rob Sy, atbp. Soon po, wala pang sure ang release date pero maybe towards the end of the year,” sambit ni Phoebe.

About Nonie Nicasio

Check Also

Summer-Saya Together TV5

Summer-Saya Together ng TV5 pasabog may Japan getaway pa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KASABAY ng pag-init ng panahon ang mainit ding mga pasabog ng TV5 sa Summer-Saya …

Alfred Vargas

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas 4,500+ residente natulungan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAYna aktor at prodyuser si Alfred Vargas. Kung ilan ulit na niya …

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher …

Joyce Cubales

Joyce Cubales, happy sa pagbabalik sa pag-arte

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Joyce Cubales sa kanyang muling pagsabak sa pag-arte. Ito’y …

Jojo Mendrez Mark Herras

Jojo Mendrez inutangan daw ng P1-M ni Mark Herras

MA at PAni Rommel Placente IBINUNYAG ng manager ni Jojo Mendrez na  si David Bhowie na umano’y may nahiram …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *