Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrew Gan, proud sa movie nila ni Jomari Angeles titled Limited Edition

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SASABAK sa kakaibang role si Andrew Gan sa BL seryeng Limited Edition, na tampok sila ni Jomari Angeles.

Nagkuwento sa amin si Andrew ukol sa kanilang BL serye.

Aniya, “Eto na po iyong BL series tito na nabanggit ko sa inyo dati, ang role ko po rito ay si Jethro, New Yorker na pumunta ng Philippines for work. Two months lang at mami-meet niya si Mario na simple guy. Kasama po sa casts sina Jomari Angeles na ka-love team ko po, Yayo Aguila, Ruby Ruiz, Iyah Mina, Donna Cariaga, Ron Angeles, at Michelle Jhoie Ferraris.”

Ano ang dapat abangan sa seryeng ito?

Tugon ni Andrew, “Marami po tito! Iyong mga manonood po nito, sila ay kikiligin, matatawa, maiiyak, at higit sa lahat, magmamahal.”

May mga sexy and intimate scene ba siya rito? “Abangan! Ang masasabi ko lang po is marami akong ginawang first time para sa project na ito. Kasi naniniwala ako sa material.

“May mga nag-offer na rin sa akin before ng BL, pero eto po ang ibinigay sa akin ni Lord. Sa Limited Edition Niya ako inilagay.”

Dagdag niya, “Sobrang proud ako sa aming serye. Kahit na, halimbawa hindi ako iyong napasali sa cast, proud ako. Kasi, ang ganda talaga ng material. Naniniwala rin ako sa right timing, kung bakit dito ako inilagay ng Diyos.”

Ano ang masasabi niya sa co-stars niya rito, pati na ang kanilang direktor? “Lahat sila ay award-winning, lahat ay mababait, especially iyong producer namin na si Sir Jojo Bragais,” pakli i Andrew.

Ang Limited Edition ay sa direksiyon ni Jill Singson Urdaneta at prodyus nina Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris.

Mapapanood ang Limited Edition sa October 2, Saturday, sa Bragais TV sa YouTube. Ang Bragais TV ay official YouTube channel ng shoe designer at producer na si Jojo Bragais.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …