Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Upgrade, Angeline Quinto, Kyla, Mitoy

Angeline, Kyla, Mitoy namangha sa galing ng Upgrade

PAINIT ng painit ang kompetisyon among Pinoy Pop, 7 male and  7 female group na naglaban-laban last Saturday sa Hugot Hits Challenge na inawit nila ang mga sikat na hugot Pinoy songs.

Nag-standout ang Upgrade na umawit ng Michael Pangilinan’s hit song na Bakit Ba Ikaw na binigyan ng mga ito ng bagong flavor.

Komento ni Angeline Quinto, isa sa mga hurado kasama sina, DJ Loonyo, Kyla, at Mitoy sa Upgrade, “Bihira ako makakita sa Pilipinas ng boygroup na magaling mag-harmony. Ang pogi n’yo, ang sarap n’yo panoorin, kabisado n’yo ‘yung stage. “

Sinabi naman ni Mitoyna, ”Balato!!! Wala na kong sasabihin . (Na  napatayo after ng performance ng Upgrade).

“Grabe, ngayon nakita ko na ‘yung gusto kong Makita,” sambit naman ni Kyla.

Susog ni DJ, ”Grabe parang home court n’yo ‘yung theme ngayon. Keep humble, stay hungry. Gawin n’yong basis ito sa mga next performance n’yo.”

Habang nakuha naman ng grupong A4OU ng top spot sa mga kababaihan na inawit ang Mahal Ko O Mahal ako ni KZ Tandingan.

Sa huli, anim na grupong babae at lalaki ang magpapatuloy sa kompetisyon at dalawa naman ang namaalam na parehong may mababang score at ito ay ang grupong Siklab at TYD.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …