Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval, Andrew E, Sunshine Guimary

AJ at Sunshine katawan at itsura ang puhunan

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

BOMBSHELLS at internet sensation ang mga leading ladies na napisil para maging kapareha ni Andrew E. sa Shoot Shoot na matutunghayan sa Vivamax simula sa Oktubre 8, 2021.

Hindi naman takot o nababahala ang sinuman kina AJ Raval at Sunshine Guimary kung ma-typecast sila sa roles na katawan at itsura nila ang puhunan.

Sa bawat proyektong ipinagkakatiwala sa kanya handa na sila sa sasabihin ng mga manonood sa kanila.

Kaya naman, pagdating sa bashers at sa mga komento at opinyon ng iba, natutunan na nila ang huwag na lang pansinin ito.

Kaya mapa-bed scene, kissing scenes, lambuchingan sa kanilang leading man, sunod lang sila sa ipagawa ng direktor nila.

Ngayon pa nga lang, binabantayan na kung sino ang uungos sa kanila sa mundo ng kaseksihan. 

Gaano katibay nga ba sila sa haharapin nila sa kinabukasan?

Gamay na nila ang trabaho under locked-in setting o sa bubble ng bilang araw. Nasanay na sa requirement sa health protocols. Kaya ibayong pag-iingat sa mga sarili nila ang bitbit nina AJ at Sunshine sa kanilang mga shoot-shoot sa kanilang mga proyekto.

Tingin niyo, sino ang hahataw nang husto sa kanila?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …