Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael Yang sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ay galing sa P42-B pondo ng Department of Health (DOH) na ipinasa sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

Inihayag ito ni Sen. Risa Hontiveros sa panayam sa After the Fact sa ANC kagabi.

“Posibleng itunuring ng ilang taga-PS-DM, ng ilang taga-DOH si Michael Yang, mga Pharmally executives parang common tool, parang kitty nila itong bilyon-bilyong piso para padulasin itong ganitong transaction,” ani Hontiveros.

“It maybe possible na ang P7-B ay taken from the P42-B transferred to PS-DBM tapos (i)ni-represent ni Michael Yang na siya ang nagpautang sa Pharmally thru Lincoln Ong para bayaran ang TigerPhil at iba pang suppliers,” dagdag ng Senadora.

Nag-ugat aniya ang naturang rasonableng suspetsa dahil sa paiba-ibang pahayag ng mga opisyal ng PS-DBM, ng Pharmally, ni Yang kung paano natustusan ng kompanya ang P8.7 bilyong medical supplies gayong wala itong sapat na puhunan at hawak na produkto para matugunan ang nakuhang kontrata.

“We will have to establish that but as of this moment, those are reasonable suspicions kasi sobrang flippant sila sa mga rules na dapat sinunod sa mga ganitong transaksiyon,” anang senadora.

Sa simula pa lamang aniya ay nakapagdududa na ang paglipat ng DOH ng P42-B sa PS-DBM ay walang paper trail o anomang dokumento at maging ang ipinautang na P7-B ni Yang sa Pharmally.

“Doon pa lang mula sa DOH papuntang PS-DBM dapat may paper trail pero butas-butas na starting from there dahil walang MOA o iba pang dokumento.

“Kung talagang ang P7-B ay galing sa PS-DBM papunta kay Michael Yang, papunta sa Pharmally, e wala rin paper trail doon so kailangan lang magpatuloy iyong cross questioning ng Blue Ribbon Committee sa iba’t ibang resource persons at witnesses para mabuo namin as clearly as solidly as possible,” pagtitiyak ni Hontiveros.

Umaasa si Hontiveros na hindi aabot sa puntong pipigilan ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na dumalo sa Senate hearing.

Nagbabala siya sa Palasyo na huwag maliitin ang namumuong galit ng mga mamamayan sa mga nabistong malawakang korupsiyon sa panahon ng pandemya.

“Huwag nilang maliitin iyong namumuong, hindi lang pagtataka, pero galit ng mamamayan na sa gitna ng pandemya, recession ay may ganitong graft and corruption na mukha talagang nangyari at mangyayari pa,” sabi niya.

Kaugnay nito, tiniyak ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon na ilalabas niya sa pagdinig bukas, Biyernees, ang lahat ng dokumento ng Pharmally.

“Makinig kayo sa Friday, ilalabas ko lahat ng record ng Pharmally na ‘yan… At hindi fake news, totoo po ‘yan,” ani Gordon sa panayam sa DZMM Teleradyo kahapon.

Tinawag ng senador na protektor ng racketeer si Pangulong Duterte sa patuloy na pagdepensa kay Yang at sa kuwestiyonableng P8.7-B Pharmally contract.

“Hindi n’yo pinoproteksiyonan ang taongbayan. Ang pinoproteksiyonan ninyo, ‘yang mga racketeer na ‘yan (na) ginamit ang pera ng taongayan, Mr. President,” aniya.

“Bakit ‘di n’yo ipagtanggol ang taongbayan? ‘Yun ang ipinagtatanggol n’yo, ‘yung mga taga-Pharmally?

“Habang lumalabas ito, talagang nagpapawis kayo nang malapot sapagkat papalapit nang papalapit sa inyo… Kayo nagsimula niyan. Kayo nakipagkita kay Pharmally. Kayo nag-appoint sa mga taong iyon,” babala ni Gordon. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …