I-FLEX
ni Jun Nardo
TATLONG taon na bilang Kapuso actor si Rayver Cruz kaya nang i-renew ang kanyang contract sa network, emotional ito.
“Hindi ako emotional na tao pero pero nasapul ako rito,” saad ni Rayver sa renewal ng kontrata niya.
Ang isang natutuwa sa pagiging Kapuso ni Rayver ay ang star builder na si Johnny Manahan dahil magkasama silang muli sa isang network.
Sa loob ng tatlong taong, naging mainstay ng All Out Sundays si Rayver, naging co-host ni Julie Ann San Jose sa The Clash na magkakaroon ng 4th season na at may drama siyang Nagbabagang Luha.
“Sobrang saya at blessed ko lalo na’t sunod-sunod ang trabaho ko ngayon,” saad pa ni Rayver.