Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras

Mark umaming wala ng pera

HATAWAN
ni Ed de Leon

INAMIN ni Mark Herras sa isang vlog nilang dalawa ni Eric Fructuoso na wala siyang pera, at totoong wala siyang P30K sa banko, pero ang anak niya ay mayroon naman. Ibig sabihin, nang mangutang si Mark hindi dahil sa walang-wala na siya kundi ayaw naman niyang galawin ang savings para sa kanyang anak, at kailangang mag-provide kung ano ang kailangan niyon.

Siguro bukas lang ng bibig iyong ”pambili ng gatas ng anak ko,” pero hindi naman ibig sabihin talagang wala nang gatas ang anak niya. Malaki naman ang P30K kung pambili ng gatas. Baka isang taong supply na iyon ng gatas ng anak niya. Palagay namin na-short lang siya sa ibang kailangan.

Inamin din naman ni Mark, na dahil sa kumalat ngang nangungutang siya ng pambili ng gatas ng anak niya, maraming nagpa-abot sa kanya ng indecent proposals. Hindi naman diretsahan pero nag-aalok ng tulong kung ano at “magkano” ang kailangan niya, at dahil mga bading nga, siyempre iba na ang iisipin mo kung nag-aalok ng pera sa iyo. Pero sabi nga ni Mark, hindi pa naman siya ganoon kadesperado. Totoong maliit ang kita dahil sa lockdown, pero hindi naman sayad dahil sinusuportahan naman siya ng GMA 7.

Sinasabi pa nga ni Eric na dahil magkapitbahay sila ni Mark, madalas siya pa ang tinatawag niyon para roon kumain sa bahay nila, dahil nag iisa siya sa bahay niya. Hindi mo masasabing gutom si Mark.

Minsan kasi nagkakabiglaan lang ng salita at sa palagay namin iyan lang ang nangyari, pero dahil si Mark Herras siya, iba ang naging dating niyon sa publiko.

Ang maganda lang na nakikita namin sa ngayon, sabihin na nating hindi kagaya ng dati ang kanyang kita. Siguro nga ay kailangang magtipid ng kaunti ngayon, pero hindi nakaisip na gumawa ng wala sa ayos si Mark. Hindi siya gumaya sa iba na kung sino-sino ang nakikitang kasama na alam mo naman “sideline” at hindi maaaring ”as a friend” lang iyon. Mga bading ang kasama eh.

Marami kaming naririnig na ganyan. Mayroon pa ngang ilang beses na naming nakasalubong eh. Noong masalubong kami tungong-tungo. Alam siguro niya maba-blind item na naman siya sa Hataw.

daanin sa maling pananalita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Im Perfect Unmarry

Sylvia 3 blessings natanggap; UnMarry Big Winner sa MMFF51

RATED Rni Rommel Gonzales BEST Actress. Best Ensemble. Best Picture. Congratulations! Mahal ka ng Diyos, Jossette! …

Krystel Go Im Perfect

I’m Perfect gumawa ng history sa MMFF 2025 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na history ang nangyaring pagwawagi ng pelikulang I’m Perfect sa katatapos na Metro Manila …

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Alden Richards Big Tiger

International film ni Alden iniintriga 

MATABILni John Fontanilla INIINTRIGA ngayon ng ilang netizens ang ginawang Hollywood film ni Alden Richards, ang Big Tiger. …