Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lani Misalucha, The Clash

Lani misalucha balik-The Clash

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MAGBABALIK bilang judge sa papalapit na fourth season ng original musical competition ng GMA Network na The Clash si Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Masayang ibinahagi ni Lani sa Unang Hirit barkada na muli siyang babalik bilang judge sa well-loved singing competition.

“Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko. Okay naman kami pero, siyempre, tulad niyong kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage ‘yung bagyo. Parang ganoon ang nangyari sa amin.”

Kinailangang huminto ni Lani bilang judge last season dahil nagkaroon siya ng bacterial meningitis kaya ilang araw din siyang na-confine sa ICU ng isang ospital.

Kasunod ng kompirmasyon ng pagbabalik ni Lani sa The Clash Season 4, ibinahagi rin niya ang ilang expectations sa bagong Clashers. 

Aniya, ”Ganoon pa rin naman ang gusto ko, mayroong unique na b2oses, ‘yung nandoon ‘yung maganda ang pag-deliver ng kanyang pagkanta na parang lahat ng emotions nandoon. Kung ano ‘yung nararapat na emotions sa kanta, nandoon ‘yung maibibigay niya. Ganoon pa rin ang hanap ko, uniqueness sa voice and sa performance.”

Kabilang din sa The Clash panel of judges sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Queen Aiai delas Alas.

Abangan ang nalalapit na pagbabalik ng The Clash Season 4 sa GMA-7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …