Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Raval, AJ Raval, Andrew E, Sunshine Guimary, Shoot Shoot

Andrew E at AJ may kissing scene, nagpasintabi kaya kay Jeric?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAY kissing scene pala sina Andrew E. at AJ Raval sa bagong pelikula nilang Shoot Shoot na idinirehe ni Al Tantay sa Viva kasama rin si Sunshine Guimary.

At dahil Viva artist na rin ang tatay ni AJ na si Jeric Raval ay natanong si Andrew kung nagpasintabi siya sa kasabayan niyang aktor noong araw para sa kissing scene nila ng anak.

“Sabay kaming nag-artista o baka mas nauna siya o hindi 30 years ago, I just can’t remember and we landed on both sides o opposing camps, Viva ako and Octo (Arts) siya ‘di ba?

“Hindi ka nagkaroon ng chance na magkaroon ng camaraderie o ng friendship kasi nasa ibang mother unit or mother studio.

“Ang TV wise hindi rin naman siya (Jeric) nag-TV (show) I think and ako paminsan-minsan lang at movie ay mas marami.

“But there was one day sa 30 years na ‘yan, somehow 6 or 7 years ago nagkasama kami sa isang concert sa Jolo, Sulu. So roon ako nagkaroon ng chance na ma-meet siya and he’s a good person and what I discovered was, katulad ko rin na collector ng mga toy cars.

“So binigyan niya ako ng mga hint and mga advice and ano ‘yung mga toy cars na dapat kino-collect things like that.

“But then again sure ball ako na sa first time na-meet ko siya nandoon pa rin ‘yung pagiging action star niya and I really like it. He lives to that genuine aura of an action star. And after that wala na (hindi na nagkita).

“So, kung pasintabi ang tanong hindi ako nagkaroon ng chance and the next thing I knew was mayroon na akong movie with AJ so, you know everything happened naturally and was never thought of that and kasi hindi ko naman alam na anak niya si AJ coming to the movies.

“Ako naman hindi ko rin alam na there was ‘Shoot Shoot’ (movie) na magbabalik mula sa sa lunggaan 18 years ago biglang maghi-hit. So, I never knew about that, I didn’t see it coming,” mahabang sagot ni Andrew.

Obviously comedy ang pelikula na may pa-sexy kaya masaya ito at abangan kung ano ang bagong ipakikita nina Sunshine at AJ bilang sexy star.

Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay malapit ng mag- 9 million ang trailer views sa loob lamang ng 48 hours, ang Shoot! Shoot! na isa sa mga most anticipated movies ngayong taon na nag-stick sa style ng classic 90s comedy film: slapstick at sexy comedy.

Kaya abangan ang Andrew E, Sunshine and AJ mula sa Viva Films na mapapanood sa Oktubre 8 sa Vivamax mula sa direksiyon ni Al Tantay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …