Friday , April 18 2025
Harry Roque, University of the Philippines

Harry Roque isinuka ng UP

ISINUKA ng kanyang mismong alma mater na University of the Philippines (UP) si Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa isang kalatas, inihayag ng UP Diliman Executive Committee ang nominasyon para maging isa sa 34 na miyembro ng International Law Commission.

“The UP Diliman Executive Committee at its 314th meeting held on 13 September 2021, resolves that it opposes the nomination of former UP Faculty member Atty. Herminio “Harry” Roque, Jr., to the International Commission,” pahayag ng UP Diliman Execom.

Anang UP Diliman Execom, napakasama ng track record ni Roque sa pagsusulong, pagtatanggol at pagganap sa human rights at rule of law partikular sa ilalim ng administrasyong Duterte na nagsisilbi siyang miyembro ng gabinete.

Magiging kasiraan lamang anila si Roque sa ILC imbes makatulong.

“Atty. Roque has a very poor track record of promoting, defending, and fulfilling human rights and the rule of law, especially during the administration of President Rodrigo R. Duterte in which he serves as a cabinet member. Therefore, his inclusion in the Commission would not serve its purposes but instead diminish its reputation.”

Ang kalatas ay gumiba sa ipinagmalaki ni Roque na kasalukuyan siyang nasa New York dahil siya ang nominado ng Filipinas sa ILC bunsod ng pagiging international law expert na itinuro niya sa UP nang 15 taon bilang faculty member at naging director siya ng International Legal Studies sa UP Law Center.

“Now, bagama’t ako po ay nominado ng Filipinas, iyong paghalal po sa akin ay sa aking indibidwal na kapasidad bilang eksperto sa international law. Ito po ang subject na itinuro ko nang 15 taon sa UP, ito rin po ang dahilan kung bakit ako ay naging director ng Institute of International Legal Studies sa UP Law Center at kaya naman po tayo nagkaroon ng nominasyon para rito sa International Law Commission dahil noong kailan lamang po, tayo po ay tumayo bilang presidente ng Asian Society of International Law, ang asosasyon ng lahat ng dalubhasa sa Asya,” sabi ni Roque sa virtual Palace press briefing noong Lunes.

Kinontra rin ng Free Legal Assistance Group (FLAG) ang nominasyon ni Roque sa ILC dahil isa siyang “political partisan who has actively demonstrated contempt for the rule of law and has undermined the supremacy of human rights and international law.”

Ayon sa FLAG, si Roque bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na inireklamo ng crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) ay malinaw na batayan na hindi siya angkop maging miyembro ng ILC at magiging isang malaking kahihiyan sa komisyon.

Kamakailan ay nag-viral ang video ni Roque na sinisigawan at nilalait ang grupo ng mga doctor sa pulong ng Inter-Agency Task Force nang hilingin nilang huwag munang isailalim sa general community quarantine (GCQ ) ang Metro Manila dahil tumataas pa ang kaso ng CoVid-19 sa rehiyon. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *