Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga balitang dalawahan

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

NGAYONG nagpahayag na si Inday Sara ng kawalang interes sa pagkandidato sa pagkapangulo sa 2022, nakaligtas na ang bansa sa pagkakaroon ng dalawang Duterte na umaasinta sa dalawang pinakamatataas na posisyon sa bansa.

Mayroon akong mga kaibigan na naniniwalang ang kanyang naging deklarasyon ay palabas lamang sa tunay na ultimate goal ng isang mag-amang kakandidato bilang isang dynastic duo, lalo na dahil patuloy pa ring umaalingawngaw ang kanyang campaign jingle.

Pero para sa akin, totoong tatanggihan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagka-presidenteng nalalambungan ng kanyang “VP dad.” At mauunawaan niya mismo na walang kahahantungan ang pagkakaroon ng national political groundswell katambal ang isang lalaking nagmula sa sarili niyang rehiyon – kahit isang rock star.

Kaya naman mula sa pagdududa ay totoong nakombinsi na ako na walang dalawang Duterte na magtatambal sa Mayo 2022; marahil dalawang standard-bearers mula sa namamayaning partido ng PDP-Laban. ‘Yan na lang ang sasabihin ko.

*         *         *

Tungkol pa rin sa usapang dalawahan, inulit na naman ng Pangulo ang dati – marami ang napataas ang kilay sa dalawa niyang huling appointment na lalo lang nagpatingkad sa argumentong determinado siya sa militarisasyon ng gobyerno.

Siyempre pa, ang tinutukoy ko ay ang “mañanita boy” ng PNP na si retired-Gen. Debold Sinas, na ngayon ay undersecretary na sa Office of the President; at ang mala-machine gun ang bungangang red-tagger ng AFP na si ret.-Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., na itinalagang deputy director ng National Security Council. Hanggang diyan na lang din ang sasabihin ko.

*         *         *

Tungkol naman sa dalawang bagay na nakagugulat na hindi napasama sa panukalang P5-trilyon budget, nais kong bigyang-diin kung paanong walang alokasyon ang Department of Budget and Management para sa dalawang mahahalagang bahagi ng pagtugon ng gobyerno sa CoVid-19.

Hinanap ito ni Sen. Nancy Binay, pero sadyang wala roon – walang pondo para sa ayuda at hindi naglaan ng kahit piso sa contact tracing. Sinabi marahil ng mga financial managers ni Duterte, “hayaan na nating ganyan.”

*         *         *

Samantala, noong nakalipas na Martes, dalawang malalaking balita tungkol sa Mexico ang umagaw sa aking atensiyon. Mababasa sa unang headline: “Mexico decriminalizes abortion in landmark Supreme Court ruling.”

Kinahapunan, isa pang malaking balita ang bumalandra: “Mexico hit by powerful earthquake; at least 1 dead.” Uh… hanggang diyan lang din muna ‘yan.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …