Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Snooky Serna, Mike Magat
Snooky Serna, Mike Magat

Isang Hakbang na tinatampukan ni Snooky Serna, mapapanood sa Mulat Premiere Cinema

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA ISANG masayang huntahan namin ni katotong Roldan Castro sa online show ni Ms. Catherine Yogi na The Magic Touch, napapanood sa Channel One Global, naibalita sa amin ng aktor/direktor na si Mike Magat ang ukol sa kanilang peli­kulang Isang Hakbang.

Tampok sa pelikulang pinama­halaan ni Direk Mike si Snooky Serna. Nag­bigay siya ng kaunting patikim hinggil sa kanilang movie na mapapa­nood sa CINEMA MULAT MEDIA ang international screening sa Sept. 21 to Oct. 5, 2021. Ang Philippine screening o local screening naman nito ay sa Oct. 6 to Oct. 20, 2021.

Saad ni Direk Mike, “Ito ay isang inspirational story na ang gumanap ay ang award-winning actress na si Ms. Snooky Serna. Napakagaling ng pagganap niya rito at nakatutuwa naman na nabigyan ako ng chance na maidirek siya.

“Ang story nito, bale ukol sa mag-ina na sila na lang dalawa ang natitira sa buhay nila. Tapos ay nagkasakit naman ang nanay, pero sa kabila ng kahirapan nila ay nagpursigi pa rin ‘yung bata.”

Pagpapatuloy ni Mike, “So, makikita rito na hindi hadlang ang kahirapan ng isang kabataan na nag-iisip para sa future o kinabuksan niya, at para maipagamot niya ang kanyang ina.

“So, ang ginawa niya, nagpursigi siyang mag-aral kahit na wala silang pera. So, makikita rito kung ano ba ang ginawa ng bata para makapag-aral, na nagpursigi siya at nanalig sa Diyos. Iyon ang number one roon, iyong pananalig… Iyon ang turo ng kanyang ina e, na manalig tayo sa magagawa ng Diyos dahil walang imposible kapag nanalig ka… at nangangarap ka para sarili mo at sa pamilya mo at mapagmahal kang anak.”

Dagdag niya, “Kapag manonood po kayo nito, magdala kayo ng panyo…. Iyayabang ko na, na maluluha kayo rito. Iyon lang po ang masasabi ko, bigyan n’yo ako ng chance na mapanood ang mga ganitong inspirational film.

“Sasamantalahin ko na po, kami po ay independent producer na gumagawa po ng ganitong istorya. Pero posible naman kaming lumaking producer at gumawa ng mga pelikula kung susuportahan n’yo kami sa pamamagitan ng panonood ninyo. Kung mga international film ay nasusuportahan po ninyo, na napapanood natin sa online… so, how much lang naman ito kung inyong panonoorin?

“Kapag naging successful naman po itong Isang Habang, wala naman kaming gagawin kundi ang gumawa nang gumawa ng peklikula. At ang makikinabang ay ang ating industriya po, mga artista po na ngayon ay nagsa-suffer na dahil sa kahirapan dahil sa pandemya.”

Idiniin ni Direk Mike na makabuluhan ang kanilang pelikula at kapupulutan ng aral.

“May moral values na mapapanood sa pelikulang ito, so eto po iyon, kaya i-push sana natin sa ating mga anak na mapanood ito para sila ay mamulat,” sambit ni Direk Mike.

Bukod kay Snooky, tampok din sa pelikulang Isang Hakbang sina Miguel Antonio, Ricardo Cepeda, Buboy Villar, Alyssa Soriano, Jaycee Parker, Shyr Valdez, at Mike Magat.

Ito ay hatid ng Sonza Entertainment Productions na ang producer ay si Ms. Sherielene S. Sonza, ang Executives Producers ay sina Mike Magat at Alfe Soriano.

Ang tickets para sa pelikulang ito ay available sa CINEMA MULAT MEDIA.

Kabilang sa mga awards at pagkilala na nakamit ng Isang Hakbang ay sa International Film Festival Manhattan-Honorable Director Mike Magat, Subic Bay International Film Festival, winner Best Ensemble, at sa NCCA SIFFMP Certificate of Participation, Honorable Mention.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …