Friday , April 4 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Si Mark ‘masipag’ sa TV commercials (Para maagang makapambola)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NARIRINIG natin ito sa political advertisement ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi natin maintindihan kung masipag na DPWH Secretary? Masipag mag-photo op? Masipag sumakay ng eroplano o chopper lalo kung sa mga probinsiya pupunta para ipagmalaki ang infra project o Build Build Build na parang pera niya ang ipinagpagawa?

Saan nga ba masipag si Mark Villar?!

Kung sasabihing si Mark Villar ay masipag sa mga kompanya ng kanilang pamilya, aba, normal lang  ‘yan, family business ‘yan e.

Mantakin naman ninyo ang negosyo ng mga Villar, may mall, may sinehan, may appliances center, may convenience store, coffee shops, may real estate properties mula subdivisions, condominiums, luxury resort at marami pang iba.

Ganyan kasipag, hindi lang si Mark Villar kundi ang kanilang pamilya.

Sabi nga ng tatay niyang si dating Senate President Manny Villar, sipag at tiyaga, ang kanyang puhunan  kaya naabot niya ang kanyang mga pangarap.

Wow! Made na nga ang mga Villar pero nagtataka tayo bakit kailangan pa nilang pakyawin ang puwesto sa gobyerno?

Kung made na sila, ano pa ang gusto nilang patunayan?!

May senador, may congresswoman, may department secretary, may undersecretary, may consultant, at may real estate mogul.

Bukod pa ‘yan sa mga relatives na may hawak ng local government unit (LGU) kung saan sila nakatira.

Aba, walastik nga ‘e!

Ibang klase ang mga Villar!

Kumustahin naman natin kung paano sila magtrabaho…

Paano nga ba?!

Poproteksiyonan ba nila ang mga mamamayan at ang buong bansa?!

Isang tanong lang po, bukod sa ‘nag-iisang saging na saba at nilagang itlog,’ mayroon pa ba naibigay ang mga Villar sa mga kababayan nating hikahos na noong walang pandemya pero lalo pang naging isang kahig isang tuka ngayon dahil sa pandemya?

Nagpahigop ba sila ng ‘libreng kape’ mula sa mga coffee shops nila para sa mga kababayan nating riders, commuters, at mga naglalakd dahil naghahanap ng trabaho? May suspended coffee ba ang mga coffee shops ng mga Villar para sa mga kababayan nating nagugutom??

Wala!

Mukhang hindi uso sa kanila ‘yun dahil baka mabawasan ang mga kayamanan nila.

Tsk tsk tsk…

Kaya naman pala napakasipag mag-TV ads ni Mark Villar, gusto niyang matiyak ang panalo niya sa 2022 elections.

Mga suki, gusto ba nating manalo sa eleksiyon ang mga Villar?!

Abangan! 


“RED LIST” COUNTRIES
PAPAYAGAN NANG
MAKAPASOK SA BANSA

MULING inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pansamantalang pagpapapasok sa mga pasaherong nanggaling sa bansang nasa “Red List” categories o territories gaya ng Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia at Switzerland bago pumasok ng Filipinas.

Maging sa transiting o pagdaan ng eroplano bago ang destinasyon sa bansa ay hindi rin sila pinahihintulutan.

Kasama rin sa direktiba ang mga nagbalik na Filipino, sa government o non-government repatriation program thru special flights ay hindi rin papayagan.

Nangyari ang kautusan matapos maalarma ang bansa sa hindi pa kompirmadong dahilan.

Hanggang ngayon ay wala pang ipinahayag na dahilan ang pamahalaan upang tanggalin sa mga nasabing bansa ang travel restriction.

Mag-uumpisa ang direktiba sa 12 Setyembre at tatagal hanggang 18 Setyembre.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

DDS magpapauto ba kay Imee?

SIPATni Mat Vicencio DESPERADO na si Senator Imee Marcos kung kaya’t ang lahat ng pambobola …

Dragon Lady Amor Virata

Mga kandidato bawal sa graduation rites

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGING kalakaran na tuwing sasapit ang graduation day ng …

Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez …

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *