Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jaclyn Jose, Kylie Verzosa
Jaclyn Jose, Kylie Verzosa

Pagka-beauty queen ni Kylie nabura sa The Housemaid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAWALA ang pagiging beauty queen ni Kylie Verzosa sa pinagbibidahan niyang pelikula na idinirehe ni Roman Perez, ang erotic-thriller na The Housemaid handog ng Viva Films na mapapanood na sa Vivamax simula ngayong araw.

Tama ang tinuran ni Direk Roman na mahusay at kakaiba ang ipinakitang galing ni Kylie sa Pinoy version ng 2010 South Korean film na may kapareho ring titulo.

Kylie Verzosa
Kylie Verzosa

Isa kami sa nakapanood ng advance screening ng The Housemaid at maayos ang pagkakalatag ng istorya ni Direk Roman. Ang bongga ng mga sexy scene ni Kylie. Ingat na ingat si Direk Roman na hindi lumabas na bastos ang maiinit na tagpo nina Kylie at Albert Martinez. Talaga naman kasing nagpasasa sa kanya ang actor. Kaya tiyak marami ang maiinggit kay Albert.

Tama ang sinabi ni Kylie na ang The Housemaid ang pinaka-challenging at pinaka-daring na role na ginawa niya. Maraming eksenang mahirap talaga at hindi mo aakalaing nagawa ni Kylie iyon.

Anyway, bongga at mayroong sariling highlight si Jaclyn Jose. Hindi pa rin talaga kumukupas ang galing at tatak ng isang Jaclyn Jose.

Hindi na kami magdedetalye sa takbo ng istorya, basta panoorin n’yo na lang dahil for sure magugustuhan ninyo tulad ni Kylie na kaya niya tinanggap ang role ay dahil na-inlab siya sa istorya.

Albert Martinez, Kylie Verzosa, The Housemaid
Albert Martinez, Kylie Verzosa, The Housemaid

“Known nga talaga ako as a beauty queen so it was not the usual choice for the usual beauty queen pero mahilig din talaga ako sa mga psychological thriller na genre and noong ibinigay sa akin ito and knowing na Cannes Film Festival entry pa siya (Korean version), then napa-yes ako sa kanya,” sambit noon ni Kylie.

“Kailangan talaga tanggalin ‘yung buong beauty queen na ‘yun. Hindi ka puwede maging beauty queen sa set o kahit anong set kasi sobrang layo ng character ko talaga kay Daisy,” paliwanag ni Kylie.

Kailangan lang tumutok habang nanonood dahil makapigil-hininga ang mga eksena sa pelikula.

Sa huli, sinabi ni Kylie na, “Kinakabahan talaga ako and sana magustuhan niyo talaga kasi feeling ko magugustuhan niyo ‘yung film and kung original fan kasi kayo ng movie, ‘yung ginawa ni direk Roman sobrang swak sa original film per scene ‘yun.”

Bukod kina Albert, Kylie, at Jaclyn kasama ring mapapanood dito sina Louise delos Reyes at Alma Moreno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …