Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elton Yap, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Hoy Love You
Elton Yap, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Hoy Love You

Pagbabalik-acting ni Roxanne suportado ng asawa

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NAG-CLICK ang iWant TFC series na Hoy Love You nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo kaya nasundan ito ng season two na may titulong Hoy Love You Two na mapapanood simula Setyembre 11, Sabado @9:00 p.m. sa Kapamilya online Live ABS-CBN Entertainment YouTube channel, Facebook page at iWantTFC

Sa zoom mediacon ng season 2 series ng JoRox, “Dumoble ‘yung mga mamahalin ko rito sa ‘Hoy Love You.’ Rati one family lang kami, ngayon one big family na kami so this is one big challenge for Marge kung paano niya iha-handle ang kinalakihan niya sa side ng family and ang pag-a-adjust niya sa family ni Jules,” kuwento ni Roxanne.

Ang ganda ng partnership ng Jorox na nagsimula sa Star Circle Quest noong 2004 hanggang sa nagkaroon na ng kanya-kanyang pamilya.

Kaya natanong ang aktres kung walang selosan sa parte niya na muli niyang makatambal ang dating ex-loveteam.

“Actually both sides supportive naman eh kasi kung hindi supportive hindi naman ito matutuloy. Walang Roxanne, wala ring magiging Joross, alam mo ‘yung hindi mabubuo ulit ‘yung love team. Happy sila. Proud sila.

“Kumbaga ‘yung age naman namin ni Joross matatanda na so, alam na namin ‘yung mga limitation, rules na dapat namin i-apply sa mga sarili namin kasi siyempre may mga pamilya na kami.

“Parang tingin namin mature enough na kami para alamin ‘yung mga bagay-bagay. Si Joross very gentleman ‘yan, aalamin niya ano ba ‘yung mga restriction mo kasi siyempre ‘yung husband ko conservative tapos overprotective. So, mula noong nag-asawa ako nag-set na ako ng boundaries na ito na lang ang mga puwede ko gawin because para na rin sa mag-aama ko,” paliwanag ni Mrs. Yap.

Dagdag pa, “kasi ‘pag married ka na, kapag may pamilya ka na, kasi may mga certain things lang na siyempre ayaw din natin maka-offend ng partner natin ‘di ba. Especially ako ‘yung babae. Siguro sobrang gamay na namin ni Joross ang isa’t isa, kami na mismo sa sarili namin, alam na namin ‘yung boundaries namin. Friends kami. Hindi naman kami ‘yung constant na nagkakamustahan pero once na nagkita kami, nothing has changed.”

Bukod kina Roxanne at Joross, kasama rin sina Carmi Martin, Keanna Reeves, Ritz Azul, Dominic Ochoa, Pepe Herrera, Lou Veloso, Yamyam Gucong, Brenna Garcia, Hasna Cabral, Karina Bautista, Aljon Mendoza, TJ Valderrama mula sa direksiyon ni Theodore Boborol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …