COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAPANOOD namin ang one on one interview ni LJ Reyes with Boy Abunda at hirap na hirap kaming panoorin ang interview. Hindi niya masabi in details kung ano ang pinag-ugatan ng paghihiwalay.
Hindi man aminin ay mukhang may 3rd party ngang involve. Kilala namin si Paolo noon pa man at nakita namin ang pinagdaanan niyang problema. At kaya isa ‘yun sa pumasok sa amin na posibleng dahilan ng paghihiwalay nila. Ramdam namin ang sakit nito kay LJ. Pinilit daw niyang magkabalikan sila pero si Paolo na ang tumanggi.
Hindi man lang isinaalang-alang ni Pao ang anak.
Kasalukuyang nasa New York si LJ dala ang dalawang anak sa bahay ng kanyang ina. Tandang-tanda pa namin noon nang dalawin namin si LJ sa bahay ng kanyang ina sa may Queens Boulevard sa New York malapit sa Macys at Queens Center. Nauna pa kaming makita si Aki noon kay Paulo Avelino na hindi mabigyan ng US Visa.
Wish naming malagpasan ito ni LJ at marami pa siyang makakasalamuha at sana ipagpatuloy niya ang showbiz career niya.