Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roxanne Guinoo-Yap, Joross Gamboa
Roxanne Guinoo-Yap, Joross Gamboa

Roxanne sa balik-acting — nag-set ako ng boundaries

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANG bongga ng tambalang  Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap. Paano naman, nasundan pa ang una nilang seryeng Hoy, Love You! na napapanood sa IWantTFC original series.

Talagang buhay na buhay pa ang kanilang fans kaya siguro nagkaroon pa ng Hoy, Love You Two, na mapapanood na simula Setyembre 11.

Sa muling pagtatambal nina Joross at Roxanne natanong ang dalawa sa isinagawang virtual media conference noong Lunes kung nagkaroon ba ng issue sa muli nilang pagtatambal.

Ani Roxanne, wala.”Both sides naman ay sobrang supportive. Kasi kung hindi naman supportive, hindi rin naman ito matutuloy, hindi mabubuo ulit ’yung loveteam. Happy sila. Proud sila.

“Sa age naman namin ni Joross, matatanda na, alam na namin ‘yung limitations, rules namin na dapat i-apply sa mga sarili namin, kasi siyempre, may pami-pamilya na kami.

“Tingin namin, mature enough na kami para alamin ‘yung mga bagay-bagay. Sa mga eksena, si Joross very gentleman ’yan. ‘Ano ba ‘yung restrictions mo?’

“Kasi siyempre ’yung husband ko, conservative, overprotective. So mula noong nag-asawa ako, nag-set ako ng boundaries na ito lang ‘yung mga puwede kong gawin, para na rin sa mag-aama ko.

“Prior to that, alam na ni Joross ’yon. Still, ibinibigay niya sa akin ’yung respeto na, ‘Rox, OK lang ba gawin natin ’to?’ Tingin ko, walang naging problema roon,” mahabang paliwanag ni Roxanne.

Naniniwala naman si Joross na trust at pagiging open sa isa’t isa ang ilan sa mga sikreto ng maayos at masayang pagsasama.

“If guided ka naman na ni Lord, wala ka nang dapat ikatakot. Kami naman (ni Roxanne), nandoon talaga ’yung trust and respect for each other,” ani Joross.

Nasabi pa ni Roxanne na may mga bagay na posibleng hindi naiintindihan ng kani-kanilang asawa ni Joross na parehong hindi showbiz.

“Ang key lang to that is, i-explain mo lang sa kanila ng maayos and ipaunawa sa kanila. May mga bagay na hindi rin talaga nila maiintindihan, ’yung mga ginagawa ng mga artista. Importante lang ang communication,” giit ni Roxanne.

Samantala, excited ang bagong kasal na sina Jules at Marge (Joross at Roxanne) na bumuo sa wakas ng isang masayang pamilya sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan sa kani-kanilang mga anak at biyenan. Magsusumikap si Jules na maipatayo ang dream house ni Marge sa kagustuhan niyang mabigyan ng maayos at komportableng buhay ang asawa at mga anak. Abala man sa negosyo nila, gagawin naman ni Marge ang lahat upang ipakita ang suporta niya sa mister kahit naisasantabi ang sarili niyang pangangailangan at ang paglalambing niyang magkaroon sila ng baby.

Kasama rin sa serye sina Ritz AzulCarmi Martin, Dominic Ochoa, Karina Bautista at Aljon Mendoza gayundin sina Lou Veloso Brenna Garcia, TJ Valderrama, Pepe Herrera, Yamyam Gucong, Hasna Cabral, at Keanna Reeves. Mula ito sa direksiyon ni  Theodore Boborol at mapapanood na simula Setyembre 11 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Libre itong napapanood sa Pilipinas, habang available naman ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …