Saturday , November 16 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P1.36-B utang ng POGOs dapat habulin ng PAGCOR

BULABUGIN
ni Jerry Yap

ANYARE Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chair, Madam Andrea “Didi” Domingo at umabot ng P1.36 bilyon ang utang ng 15 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa gobyerno, pero hindi ninyo nasingil?!

Mabuti na lang at nandiyan ang Commission on Audit (COA) para ipaalala sa PAGCOR na mayroong P1.36 bilyong utang ang 15 POGO sa bansa.

Nakapagtataka naman na pinalaki ng PAGCOR ang utang na ‘yan ng POGO. Mantakin ninyo, halos isa’t kalahating bilyon na ‘yan.

Ano ba talaga ang nangyari?

Sabi ng PAGCOR, sa 15 POGO na ‘yan na may utang, tatlo ang nag-o-operate pa sa bansa, walo ang suspendido ang lisensiya, tatlo ang binubusisi pa at isa ulit ang suspendido.

        Hindi naman natin pinag-uusapan ang status nila ngayon. Ang sinasabi ng COA, noong nag-o-operate pa sila, hindi ba’t dapat na nagbabayad sila? Bakit hindi sila nagbayad? Hindi ba kinokolekta ng PAGCOR ang mga dapat bayaran ng 15 POGO na ‘yan?

        Bakit hinayaan ng PAGCOR na lumaki ang utang ng 15 POGO na ‘yan?!

        Aba, hindi biro ang P1 bilyong mahigit, ‘di ba Madam Didi?!

        Naimbestigahan na ba ninyo ang mga tauhan ninyo Madam Didi? Baka naman may mga naka-payola riyan sa 15 POGO na ‘yan kaya nakawala ang P1.36 bilyong kita ng gobyerno.   

Sabi nga ni Senator Kiko Pangilinan: “Wala tayong dapat patawarin kahit suspendido. Siguro naman may paraan ang PAGCOR para masingil ‘yan sa kanilang obligasyon mula sa kanilang kinita habang nag-o-operate pa.”

        Sabi nga, kuwarta na naging bato pa!

        Sa tindi ng dinaranas na paghihirap ng mga kababayan nating dati na ngang naghihirap, malaking bagay ‘yang P1.36 bilyon.

        Ang sipag pa namang magbigay ni PAGCOR Chair, Madam Didi ng permit sa mga POGO at ngayon nga ay sa online sabong naman.

        Target nga ni Madam Didi na dagdagan pa ang mga kompanyang nag-a-apply na mag-operate ng online sabong kasi mas malaki raw ang kinikita diyan ngayon ng gobyerno kompara sa POGO.

        E baka naman, malimutan na naman ninyong mangolekta o maningil at palakihin na naman ang utang ng online sabong, Madam Didi?

        Palagay naman natin e hindi kayo busy ngayon sa rhumba dahil may pandemya pa, baka naman maasikaso na ninyo ang paniningil?!

        Pakisipag-sipagan naman ang paniningil sa POGO Madam Didi.

        Huwag naman po sanang ma-TY ‘yang P1.36 bilyon na ‘yan, ‘di ba Madam?!   

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *