Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe

Lovi tuloy na tuloy na sa Kapamilya

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TRULILI kaya na tuloy na tuloy na si Lovi Poe sa Kapamilya Network dahil ito ang pinili niya kaysa GMA 7.

Sitsit ng aming source na hinihintay na lang ang pagdating ng aktres mula sa ibang bansa at magpipirmahan na bilang Kapamilya star.

Tanda namin noong face to face mediacon ng pelikulang The Other Wife kasama sina Rhen Escano at Joem Bascon produced ng Viva Films ay sinagot niya kami ng, ”under negotiations” nang tanungin namin kung totoong lilipat na siya sa ABS-CBN.

Hindi naman itinanggi ng aktres na malalaman ito ng lahat pagbalik niya mula sa Amerika dahil nga kinailangan niya uling bumalik.

Sabi pa ng aming source ay nag-counter offer ang GMA 7 at maraming projects ang inilatag sa kanya pero parang may ibang hinahanap si Lovi na ibinigay naman ng Kapamilya management kaya ito ang nagpa-oo sa kanya para maging Kapamilya na talaga.

Wala pa sa bansa si Lovi at posibleng habang papauwi siya ay maraming mababago sa mga pag-uusap at offers ng GMA kaya abangan na lang kung saan siya talaga pipirma.

Anyway, kung sakaling matuloy nga si Lovi sa Kapamilya ay halos kasama niya ang mga kapatid niya sa management company ni Leo V. Dominguez tulad nina Paulo Avelino, JC de Vera, Janine Gutierrez, Ogie Alcasid at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …