BULABUGIN
ni Jerry Yap
IBANG klase rin ang pamunuan ng pamahalaang lungsod ng Malabon. Sa pagpapatuloy ng modified enhanced community quarantine (MECQ), tiniyak ng City Hall na may pagkain sa kanilang mga mesa ang kanilang mga mamamayan.
Naipamahagi sa lahat ng kabahayan ang tinaguriang “Kalinga sa Kalusugan” na bawat pamilya ay nabigyan ng stub para makatanggap ng ayudang gulay na maihahain sa kanilang mga pamilya. Ang mga pagkain ay naipamahagi sa mga depot sa bawat barangay.
Sa pangunguna ni butihing Malabon Councilor Jose Lorenzo Oreta, siniguro ng pamahalaang lungsod ng Malabon, may programang pangkalusugan para sa bawat pamilyang Malabonian bilang tugon sa hamon ng pandemya.
Sabi nga ng konsehal, ngayong dumarami ang variants ng CoViidD-19, mas kailangan nating ingatan ang ating mga kalusugan at isang paraan riyan ay pagkain ng masustansiyang pagkain kaya’t naisip ng pamahalaang lungsod na magbigay ng mga gulay, itlog, at iba pa para siguraduhing ligtas at malusog ang kanilang tinatawag na “Ka-asenso” sa Malabon.
Sariwa at masustansiyang pagkain tulad ng bigas, itlog, at mga gulay na inangkat mula sa mga magsasakang apektado rin ng pandemya at ipinamahagi sa mga pamilyang Malabonian.
Labis-labis ang pasasalamat ni Crisanta Lara Junio, isa sa mga nakinabang sa nasabing programa. Aniya, malaki ang pasasalamat nila at naisip ni Mayor Lenlen at Konsehal Enzo na bigyan sila ng mga gulay at hindi puro de-lata ang kinakain nila. Kailangang-kailangan nila ito ngayon lalo ng mga bata sa bahay at napakalaking tulong na panlaban sa CoVid-19.
Curious lang po.