MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI pa rin talaga masasabing ligtas na sa COVID 19 ang isang fully vaccinated. Gaya sa kaso ng sexy star na si Kim Domingo. Kahit naka-second dose na siya ng isang vaccine, hayan at tinamaan pa rin siya ng corona virus.
Sa kanyang Instagram account, malungkot niyang ikinuwento na nahawaan siya ng COVID 19, kaya inalis siya sa isang serye.
Kuwento ni Kim, ”August 27, 2021 nag positibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko inexpect na tatamaan pa ako.
“Pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag disinfect at pagiingat na ginagawa ko. Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated.
“Hindi ko na din po magagawa ang #LoveDieRepeat, ito sana ang pagbabalik ko sa TV simula nagka pandemic dahil hindi po ako tumanggap ng trabaho sa labas.
“Work from home ako palagi. Natatakot ako maglock in taping pero dahil nabakunahan na ako, mas napanatag ako saka namimiss ko na ang pag arte,
“Naka set na sana kami nung Aug 29 para sa quarantine ng show at biglang sa hindi inaasahan, nangyari ito.
“Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito.
“May ibang plano siguro si LORD para sa akin [praying hands, crying emojis]”
Hindi alam ni Kim kung saan niya nakuha ang virus.
“Saan ko nga ba nakuha? Hindi ko din alam, pero isa lang ang malinaw sakin.
“Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede ka tamaan ng COVID. Hindi natin sya nakikita. Kaya kung meron kayo pagkakataon na magpa bakuna, magpa bakuna na.”
Ayon pa kay Kim, noong una ay bantulot pa siyang magpabakuna, pero naisip niyang gawin na ito para sa sarili at sa kanyang pamilya.
“Isa rin ako sa mga takot na takot magpabakuna dati. Sabi ko hindi ko ilalagay sa katawan ko ‘yan.
“Ako pa naman yung tipo ng tao na mahilig mag-search at magbasa basa. Sabi ko di bale nalang, pero hindi talaga ako papabakuna.
“Madami ako nakausap, na-explain sakin ng maayos. Nakwento rin nila kung ano mga experience nila after magpa vaccine.
“Isang araw na-realize ko na gusto ko na magpabakuna, then kami ng family ko nagpabakuna na.
“Inisip ko, kesa naman ako ang mahirapan, pati mga mahal ko sa buhay pag tinamaan kami ng covid.
“Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng covid. Buti nalang at fully vaccinated na ako at ang pamilya ko.
“Wala na akong lagnat, pero wala pa din pang amoy at panlasa. Pero still malakas pa rin ako kumain. Mas okay na pakiramdam ko.”
Get well soon Kim.