Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maagang ‘kampanya’ ng DPWH secretary para sa 2022 elections nakauumay kaagad

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NAPAKAAGA namang magpaumay nitong si Mark Villar — secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at anak ng dating Senate President na si Manny Villar at Senator Cynthia Villar. 

        Kahapon kasi ay napanood natin ang kanyang TV ads. Ipinapakita niya ang mga nagawa ng DPWH sa ilalim ng Duterte administration — at parang sinasabi na dahil sa kanya kaya nagawa ang nasabing mga proyekto.

        Akala natin, gagawa ng summary si Secretary Mark V., hinggil sa mga proyekto para ipakita sa taongbayan na iyon ang narating ng pagbabayad ng buwis ng sambayanan.

        Pero hindi ganoon ang tono ng TV ads ni DPWH Secretary Mark V. Ang TV ads ng opisyal ay parang nagsasabi na, “ako ang nagpagawa ng mga proyektong ‘yan.”

        Kung hindi alam ng tao na blue print pa ‘yan ng mga nagdaang administrasyon e baka maniwala sa inyo.

        Hindi ba’t ang Medium Term Philippines ay dati nang proyekto?! Binabago-bago lang ang pangalan at siyempre pati budget.

        Mayroong Philippine Development Plan 2011-2017, at ‘yung mga nauna pa. Lahat ‘yan ay infrastructure na itinuloy ng Dutere administration at pinangalanang Build, Build, Build.

        Ang kakaiba nga rito sa Build, Build, Build, pinapasok ng gobyerno ang private sector para mas mabilis umanong magawa.

        ‘Yes, mabilis ngang nagawa ang infra projects sa pamamagitan ng private sector, kaya hintayin na lang natin kung paano sisingilin ‘yan o babawiin sa sambayanan.

        Kaya isang malaking kasinungalingan ang TV ads nni Mark Villar dahil buwis ng mamamayan ang nagpagawa ng mga infra projects na ‘yan at hindi siya.

        Nakapagtataka rin na napakaagang mag-TV ads ng mga Villar. Una ay noong Father’s day, magkasama ang mag-amang Manny at Mark. At ang biruan pa nga, kasama raw ang anak ni Mark — ‘yung batang babae sa huling bahagi ng ads.

        Masyadong maagang TV ads, hindi kaya maubusan ng time slot ‘yan hanggang sa election campaign?

        BTW, ilang milyon kaya ang ibinayad ni Secretary Mark sa TV ads na ‘yan?!

        Sa totoo lang, ngayong pandemya, hindi natin narinig na tumulong man lang ang mga Villar sa mga kababayan nating apektado ang abuhayan dahil sa paulit-ulit na lockdown.

        Bukod pa nga sa mga kababayan nating direktang nadadale ng CoVid-19.

        E bakit kaya hindi naisipan ni Mark Villar na ‘yung ginastos niyang milyones sa TV ads ay ibinili na lang niya ng groceries, kaunting bigas, kaunting vitamins at ipinamahagi sa mahihirap nating mga kababayan?!

Aba e, baka maniwala pa tayo sa mga Villar na sila ay may pusong maglingkod sa bayan kung ganyan ang gagawin ni Mark.

        Hindi natin maintindihan kung bakit inilalayo ng mga Villar ang puso nila sa mga mamamayan. Ganyan ba ang advice sa inyo ng mga inuupahan ninyong PR practitioners?!

        E kung ganyan nga ang diskarte ng mga PR o Public Information Officer/s (PIO) ninyo, e parang inilalaglag lang kayo niyan.

        Baka may komisyon pa ‘yan sa TV ads, kaya ‘yan ang isinusubo sa inyong mga Villar.

Ay sus!        

        Ilapat ninyo ang mga paa ninyo sa lupa, at damhin ng puso ninyo ang totoong buhay, hindi sa TV commercials lang.

        ‘Yun lang po, Secretary Mark Villar!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *