Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kawani ng Taguig LGU, kalaguyo huli sa motel

KALABOSO ang isang empleyado ng Taguig City Hall at ang kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto sa loob ng isang motel sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng hapon, 28 Agosto.

Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig City Police, ang mga nasakote sa motel na sina Von Agsaulio, 45 anyos, may asawa, at empleyado ng Taguig City Hall; at alyas Cristina, 43 anyos, may asawa, kapwa mga residente sa lungsod ng Taguig.

Nabatid na dakong 2:00 pm kamakalawa, naaresto ang dalawa sa loob ng motel sa Mabini St., Brgy. Kapasigan, sa reklamo sa Pasig PNP ng mister ni alyas Cristina.

Agad nagsagawa ng follow-up operation sina P/Cpl. Mark Butay at Pat. Renz Adrian Gillego ng Pasig PNP Sub-Station 2 kasama ang nagrerekla­mong mister.

Huli sa akto ang dalawa sa loob ng Room 304 habang papalabas ng pinto si Agsaulio at nakahiga sa kama ang ginang nang walang saplot.

Base sa kuha ng CCTV, limang oras nang naka-check-in sa silid ang dalawa na pinatotohanan ng roomboy ng motel.

Nakapiit ang magka­laguyo sa detention cell ng pulisya at nahaharap sa kasong Adultery.

 (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …