Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gigi De Lana
Gigi De Lana

Bakit nga ba hindi si Gigi de Lana ang nanalo sa Tawag ng Tanghalan?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MALAKI na ang in-improve niya. Noong time niya mas maraming magagaling sa kanya.” Ito ang sabi ng nakausap naming taga-Tawag ng Tanghalan dahil tinanong namin kung bakit hindi nanalo si Mary Gidget Dela Llana na mas kilala ngayon bilang Gigi De Lana.

Umingay ang pangalan ni Gigi sa nag-viral na awiting Bakit Nga Ba Mahal Kita na sobrang taas niyang kinanta habang nagla-live streaming siya kasama ang GG Vibes band sa kanilang Facebook page at YouTube channel noong nakaraang taon.

Mahigit walong buwan na simula ng mapansin ang bersyon ni Gigi sa awiting pinasikat ni Roselle Nava noong 1994 dahil ginawang challenge ito ng netizens kasama na rin ang kilalang singers na umabot sa 15M views ang sa una.

Kaya naintriga kami at pinanood namin ang ilang videos ng live stream niya sa YT channel nila at nagagalingan kami.

Kaya nakatataka kung bakit hindi siya ang nanalo sa TNT noong sumali siya sa season 1 taong 2016. Limang taon ang nakalipas bago siya napansin ngayon at sikat na talaga dahil kasama na rin siya sa ASAP Natin ‘To kompara sa nakatalo sa kanya noon sa Tawag ng Tanghalan.

At ito nga ang sagot ng taga-TNT, ”malaki na ang in-improve niya. Noong time niya mas maraming magagaling sa kanya.”

Oo nga naman at ang layo-layo ng itsura niya noong 2016 ngayong 2021 dahil bukod sa binago niya ang pangalan niya dahil mahirap nga raw bigkasin ay pinaayos niya ang kanyang ilong na malaking improvement para mapansin siya ngayon.

Sa ginanap na zoom mediacon ni Gigi kasama ang kanyang GG Vibes band ay inanunsiyong may album na sila mula sa Star Music na sila mismo ang sumulat at naglapat ng tunog bagay na ikinahanga ng ABS-CBN Star Music creative director na si Jonathan Manalo.

Sabi ni Jonathan, ”sobrang ganda ng mga original songs. Kung napapanood n’yo si Gigi maa-amaze kayo sa kanya doing covers almost all songs kaya niyang gawin, ‘di ba? Imagine na lang na ‘yung current na ‘yun kayang gawin ni Gigi at ng banda niya doing their originals and grabe, grabe talaga.

“Actually noong namimili kami ang dami na nila talagang nagawang originals and itong first album is very original kasi pinili namin ‘yung pinaka-okay na line-up na mag-i-introduce sa banda sa kanilang mga original.”

Sabi naman ni Gigi, dalawa sa pangarap niya ang matutupad na sa pagkakaroon ng debut album under Star Music at ang magkaroon ng sariling digital concert na gaganapin sa Disyembre na may titulong YouTube Music Night.

Makakasama rin siya sa Filipino Music Festival na 1MX Dubai na gaganapin ng live sa Disyembre 3, 2021.

Pero bago siya nag-viral ay may cameo role siya sa pelikulang Four Sisters before the Wedding at isa rin siya sa kinontrata bilang RISE Artists Studio.

Pangarap niyang maging singer pero pinasok na rin niya ang pag-arte dahil pangarap ng nanay niya na maging artista ang anak at magkaroon ng malalaking billboards sa EDSA.

Sa kasalukuyan ay regular na napapanood si Gigi kasama ang GG Vibes band sa live stream nila tuwing Miyerkoles at Sabado sa FB at YT channel nila at para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …

Mojack

Mojack hataw sa pagbabalik-‘Pinas

MATABILni John Fontanilla NASA bansa ngayon ang singer na si Mojack para magbakasyon at magselebra ng Christmas …

Alden Richards ARXV Moving ForwARd Fanmeet

Fan Meet at concert ni Alden dinumog

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang  ultimate fan meet and concert ng tinaguriang Asia’ Multi Media …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …