MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA si Sunshine Dizon sa maganda at mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Kapamilya stars, staff and crew.
Ramdam na ramdam ni Sunshine ang init ng pag-welcome ng mga ito sa tuwing maggi-guest siya sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN.
At kahit nga sa una niyang teleserye na Marry Me, Marry You at home kaagad ang actress dahil sa una palang nilang taping ay ipainaramdam na ng mga co-stars niya na pamilya siya ng mga ito.
Makakasama ni Sunshine sa kanyang first project sina Vina Morales, Lito Pimentel, Teresa Loyzaga, Joko Diaz, Janine Guttierez, Paulo Avelino, Edu Manzano, Adrian Lindayag, Cherry Pie Picache, Keann Johnson, Fino Herrera, Ej Jallorina, Jett Pangan, Jake Ejercito, Angelica Lao, Iana Bernardez, Luis Vera Perez mula sa direksiyon ni Jojo Saguin at Dwein Ruedas Baltazar under Dreamscape Entertainment.