Thursday , December 19 2024

Pantawid pasada sa Malabon panalo

BULABUGIN
ni Jerry Yap

KAPAKI-PAKINABANG ang naging programa ng Malabon local government sa mga tricycle at padyak drivers nitong natapos na ECQ.

Kung ganito ang magiging programa ng lahat ng local government units (LGUs), aba, kapaki-pakinabang ito sa ating mga kababayang umaasa sa arawang kita.

Sa kabila ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ), sinigurado ng pamahalaang lungsod na may pantawid pa rin ang mga tricycle at padyak drivers sa kanilang pang-araw-araw na gastusin sa pamamagitan ng “Pantawid Pasada Program” na pinangunahan ni butihing Malabon Councilor Jose Lorenzo “Enzo” Oreta.

Mahigit 1,000 tricycle drivers ang nakinabang sa nasabing programa, sa pamamagitan ng pag-arkila ng pamahalaang lungsod sa mga driver sa iba’t ibang gawain nitong nagdaang ECQ, katulad ng paghahatid ng relief goods, suporta sa ayuda, at naging service din sa mga bakunahan o ‘yung tinaguriang “Biyaheng Bakuna.”

Bilang tugon sa pandemya, tulong pinansiyal na halagang P2,500 ang kapalit ng pagbibigay ng siguradong hanapbuhay sa pamamaraang pagtulong sa mga gawain ng pamahalaang lungsod ang ginawang programa ng konsehal para sa kanyang mga kababayan.

Ayon kay Konsehal Enzo, buhay na buhay ang Bayanihang Malabonian sa gitna ng pandemya dahil sa mga ganitong klaseng programa. Bkod sa pag-iwas na magkahawaan sa virus, binibigyang pagkakataon din ang tricycle at padyak drivers na ipagpatuloy ang kanilang pag-asenso dahil suportado ang kanilang kabuhayan.

Higit pa sa regular na ayuda, anngn may ayudang trabaho. Mas maigi ito kaysa “dole-out” lang, ‘ika nga.

Labis-labis ang pasasalamat ni Bong Pranada, isa sa mga nakinabang sa nasabing programa.

Aniya, napakalaking tulong ng programa sa kanilang kabuhayan lalo na’t bawas talaga ang mga lumalabas ng kanilang mga kabahayan sa panahon ngayon. Mainam rin daw sa pakiramdam na nakatulong sila sa mga kababayan para hindi sila gaanong ma-expose sa virus.

‘Ika nga ay panalo ang lahat sa ganitong mga programa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *