Saturday , April 1 2023
Arrest Posas Handcuff

Tirador ng scaffolding nasakote sa Malabon

ARESTADO ang tatlo katao kabilang ang isang menor de edad matapos tangayin ang isang set ng scaffolding sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Raul Hillario, 26 anyos, John Edward Zacarias, 18 anyos, kapwa  residente sa Fishpond Maypajo, Sawata Area 1 D.D Caloocan City at ang menor de edad.

Sa report nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon City chief of police (COP) Col. Albert Barot, dakong 1:00 pm nang tangayin ng mga suspek ang isang set ng scaffolding na nagka­kahalaga ng P11,000 at pagmamay-ari ni Sherly Solana, 37 anyos, sa isang bakanteng lote sa bahay ng biktima sa #57 N. Vicencio St., Brgy. Niugan.

Matapos ito, pumara ang mga suspek ng tricycle at isinakay ang tinangay nilang items ngunit nang papatakas na sila ay napansin sila ng biktima na agad humingi ng tulong sa mga bara­ngay tanod ng Niugan.

Sa follow-up operation ng mga barangay tanod sa tulong ng Malabon Police Sub-Station 4, naaresto ang mga suspek at nabawi ang tinangay nilang isang set ng scaffolding.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MARINA PCG Coast Guard

MARINA, Coast Guard ano’ng ginagawa — solon

MATAPOS ang sunod-sunod na aksidente sa karagatan ng bansa, nagtatanong si Cavite Rep. Elpidio Barzaga, …

Bulacan Police Provincial Office, PNP PRO 3

Mahigit 1K pulis sa Central Luzon ikakalat sa mga lansangan para ‘Ligtas SumVac 2023″

Ipinahayag ni Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr, na ang buong …

paputok firecrackers

 Kaligtasan muna, ayon sa mga pyro manufacturer dealers

Upang mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi …

Bulacan Police PNP

7 tirador na tulak at 6 na pugante,  kinalawit

Sa pinaigting na operasyon ng kapulisan ng Bulacan ay naaresto ang labingtatlong indibiduwal na pawang …

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *