COOL JOE!
ni Joe Barrameda
TALAGA nga namang blessed ang Queen of Creative Collaborations at Kapuso star na si Heart Evangelista sa kaliwa’t kanang projects na dumarating sa kaniya.
Matapos ang unang sabak niya para sa lock-in taping ng upcoming GMA series na I Left My Heart in Sorsogon, lumipad agad ang aktres sa Los Angeles, USA, para maging parte ng Moonlight Arts Collective, isang website na hawak ng Incubus frontman na si Brandon Boyd dedicated for “hand signed, limited edition art from cultural icons who draw, paint, photograph and ‘moonlight’ as visual artists.”
Bukod sa art collaboration na ito nina Heart at Brandon, may rumored guesting din siya sa Netflix series na Bling Empire na lalong ikina-excite ng fans.