Tuesday , November 5 2024
Makisig Morales, Nicole Joson, Australia
Makisig Morales, Nicole Joson, Australia

Makisig sa paninirahan sa Australia — mahirap na masarap

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAY bagong segment sina Ogie Diaz at Mama Loi plus Tita Jegs sa YouTube channel nitong Ogie Diaz Showbiz Update, ang Kumustahan na mapapanood sa bandang huli ng video.

Si Makisig Morales ang unang kinumusta ni Ogie na kasalukuyang nasa Sydney, Australia ngayon kasama ang kabiyak na si Nicole Joson at buong pamilya nito pero nakahiwalay naman sila ng tirahan sa mag-asawa.

Ikinuwento ni Makisig na nagtatrabaho siya sa isang malaking wholesale store roon at the same time ay may food business silang mag-asawa.

Kasalukuyang naka-lockdown ang lugar nila at sobrang higpit dahil kailangan hanggang 5 meters kalang puwedeng lumayo mula sa bahay nila.

Sabi nga niya na ang magagawa lang sa limang metro ay para pumunta sa grocery at drug store.

Sabi ni Makisig, “Mahirap po ang lockdown dito sa Australia. ’Yong restriction po rito sa amin bawal kang lumabas within five kilometers of your local government area.

“Puwede ka lang lumabas kung bibili ka ng groceries o mayroon kang kailangan sa bahay. Pero other than that hindi ka talaga pwede lumabas.”

Kaya ang mga ibinebenta nilang pagkain ay hirap siyang ideliver ang mga ito.

 
“Mahirap ngayon para sa business dahil ako ’yong nagde-deliver and mahirap lumabas kapag lalagpas ka na ng five kilometers dahil masyado pong maliit ’yong five kilometers sa local government area.

“’Yong works din po ngayon nagbabawas ng oras para sa mga tao dahil nga lockdown. Lalo na ’yong mga hindi essential workers, kina-cut down nila ’yung oras,” sabi pa.

Laging nasa bahay lang ang mag-asawa na mas gusto niya dahil mas safe sila.

Hindi naging madali ang buhay ng pamilya Morales sa Australia pero naniniwala ang tatay nila na mas magkakaroon sila ng magandang buhay doon kaya nagdesisyon na rin si Makisig na roon na tumira at iniwan ang showbiz career sa Pilipinas.

Aniya, “Firstly, maganda for me dahil nandito ang family ko pati family ng asawa ko. Pero mahirap din sa totoo lang dahil kailangan mong pagtrabahuhan talaga lahat para maka-survive ka, para makakain ka, para makapagbayad ka ng bills and everything. 

“Normal, kahit sa Philippines ganoon pa rin naman pero ang patakaran ng payments every week. Kailangan every week magbabayad hindi katulad sa atin diyan sa Philippines na every month ang bayarin. May mga adjustment din pero madali at mahirap.”

Wala pang anak sina Makisig at Nicole kaya nagtutulungan sila sa pagtatrabaho.

“Happy, actually. Sobrang happy dahil hindi ka na mag-isa gumagawa niyong mga bagay na masaya kang gawin. P’wede mo na siyang gawin together with your wife tulad ng pagtatrabaho. Thankful ako kasi si Nicole sobrang masipag. So ayon, nagagawa na namin parehas ’yong gusto naming gawin and masaya kami kasi magkasama kaming dalawa,” kuwento ng dating batang aktor.

At kahit na nasa Australia siya ay gusto pa rin niyang manirahan sa Pilipinas.

“Pero kung ako papipiliin, gusto ko pa rin manirahan sa both, gusto ko pa rin manirahan sa Philippines and gusto ko pa rin manirahan dito,” sambit pa ni Makisig.

Sa kasalukuyan ay bukas ang pinto ni Makisig kung may offer sa kanya sa showbiz dahil mahal niya ang pag-arte.

“Siyempre, kung may opportunity naman na ibigay sa atin sa Philippines, gagawa naman tayo ng project,” pagtatapos nito.

About Reggee Bonoan

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *