Friday , April 18 2025
Bagani Lizquen Liza Soberano Enrique Gil Matteo Guidicelli Sofia Andres Makisig Morales
Bagani Lizquen Liza Soberano Enrique Gil Matteo Guidicelli Sofia Andres Makisig Morales

Teleseryeng Bagani nina Liza, Matteo, Sofia, Makisig at Enrique, simula na ngayon! 

ISANG panibagong mundo na iiral ang katapangan, katatagan, pag-ibig, at pag-asa ang bubuksan sa pagsisimula ng pinakabago at pinakaaabangang ABS-CBN fantaserye na Bagani, na pinagbibidahan nina

Liza Soberano, 

Matteo Guidicelli, 

Sofia Andres, 

Makisig Morales,

at Enrique Gil.

Ito ay mapapanood sa labas ng bansa via The Filipino Channel (TFC), na may pilot episode na streaming simulcast sa local airing nito sa March 5 (Manila time) sa TFC online (www.TFC.tv) worldwide maliban sa ilang bansa at linear platform sa buong mundo (maliban sa North America).

Sundan ang isang naiibang pakikipagsapalaran kasama sina Lakas (Enrique) mula sa rehiyon ng taga-Disyerto; si Ganda (Liza) mula sa rehiyon ng Tagapatag; si Lakam (Matteo) mula sa rehiyon ng taga-Kalakal; si Dumakulem (Makisig) mula sa rehiyon ng taga-gubat; at si Mayari (Sofia) mula sa rehiyon ng taga-Laot.

Bagamat magkakaibang mga indibidwal, ang lima ay pawang may natatanging kakayahan at may kabutihang puso na handang magsakripisyo para sa iba.

Kaya naman bilang gantimpala ay pagkakalooban sila ng kanilang diyos na si Apo ng mga makapangyarihang armas – ‘espada ni Minokawa,’ ‘pana ni Makiling,’ ‘palakol ni Bernardo Karpio,’ ‘arnis ni Liwliwa,’ at ‘kalasag ng Kataw.’

Ang mga nasabing armas ang kanilang gagamitin upang maging ganap na mga Bagani na susugpo sa kasamaan ni Sarimaw, ang kapatid ni Apo na gustong maghasik ng lagim at sakupin ang buong Sansinukob.

Makakasama rin sa Bagani sina Robert Seña, Ana Abad Santos, Rayver Cruz, Lara Quigaman, Enzo Pineda, Christian Vasquez, Mikylla Ramirez, at Joj Martin. Ito ay sa direksiyon nina Richard Arellano at Lester Pimentel sa produksiyon ng Star Creatives.

Paano haharapin ng mga Bagani ang puwersa ni Sarimaw? Ano-anong kapangyarihan ang ipagkakaloob sa kanila? Manatili kaya ang kapayapaan sa Sansinukob?

Bagani Lizquen Liza Soberano Enrique Gil Matteo Guidicelli Sofia Andres Makisig Morales
Bagani Lizquen Liza Soberano Enrique Gil Matteo Guidicelli Sofia Andres Makisig Morales

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng Bagani na mapapanood sa labas ng Filipinas via TFC. May streaming ang pilot episode kasabay ng local airing nito sa March 5, 8:20 p.m. (Manila time) via TFC online (www.TFC.tv) worldwide sa ibang bansa at linear platforms worldwide (maliban sa North America). Mapapanood ang mga nagdaang episodes via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa key countries worldwide. Para sa updates, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang  @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …

Encantadia Chronicles Sanggre

Kakaibang special effects at cinematography ng Encantadia Chronicles, kapansin-pansin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TEASER ng Encantadia umabot ng 18M views in less than 24 hours. Bagong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *