Sunday , June 23 2024

Liza, natutulala sa ganda ni Kristine

READ: Liza, nagbawas ng timbang para sa Darna

KASAMA si Kristine Hermosa sa Bagani na pinagbibidahan nina Liza SoberanoMakisig Morales, Matteo Guidicelli, Zaijian Jaranilla, at Enrique Gil. Gumaganap dito ang misis ni Oyo Sotto bilang kontrabida.

Sa finale mediacon ng fantaserye ng ABS-CBN 2, puring-puri nina Liza at Enrique si Kristine, hindi lang sa ganda nito, kundi pati rin sa pagiging co-worker.

Sabi ni Liza, ”The first time I saw her was also the first time I saw her up-close. As in na-mesmerize talaga ako. As in ’Naku, Oh My God, ang ganda niya!’

“Parang ayaw ko siyang tabihan. Akala ko rati, maputi ako, pero ‘pagtabi ko siya, grabe ‘yung kutis niya, ang ganda, ang kinis. As in ang ganda niya. Tapos magaling pa siyang umarte.

“And she’s very professional. Kasi iisipin mo, siyempre, she has not been accepting ‘yung mga project na ibinibigay sa kanya for how many years now.

“Kaya nagulat kaming lahat, when she accepted the offer (to be part of Bagani). And of course iniisip ko, ‘Ay, baka nakakatakot siyang kaeksena, baka nanglalamon.’ But no. She knows how to give way her co-actors as well.

“Siyempre, mayroon po akong mga mabibigat din na scenes with her, she really allowing me to take my time,”ang mahabang esplika ni Liza tungkol kay Kristine.

Sabi naman ni Enrique, ”She’s a sweetheart. All I have to say is she’s amazing. I remember I told her, na ‘Alam mo ba ‘yung lola ko, favorite ka at si Echo (Jericho Rosales)?’ Sayang lang at di ‘niya (lola ni Enrique) na inabutan na nakasama ko si Tin sa teleserye.”

 MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *