Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan, Christian Bables, Sean de Guzman
Joel Lamangan, Christian Bables, Sean de Guzman

Christian sa laplapan nila ni Sean — Napapayag ako kasi si Direk Joel ang director

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 “MAHUSAY na artista si Christian.” Ito ang tinuran ni Direk Joel Lamangan sa isinagawang virtual media conference para sa pelikulang Bekis On The Run ng Viva Films na mapapanood na sa Set. 17 sa Vivamax.

Puring-puri ng magaling na director si Christian Bables bagamat ngayon lamang niya ito nakatrabaho.

Anang premyadong director,  napakahusay nito at lahat ng pelikula nito ay napanood niya.

“Si Christian wala nang problema kay Christian, napatunayan na mahusay siyang artista at isa ako sa mga nakapanood ng halos lahat ng pelikulang ginawa niya.


 
“Isa ako sa nakaalam ng mga ginawa niyang pelikula at hindi ako nahirapan na idirehe si Christian pati ang pagbakla-bakla ay magagampanan niya dahil mahusay siya pati attitude,” esplika ni Lamangan.

Matagal natengga si Christian dahil walang offer kaya naman aminadong na-depress.

“Walang outlet kumbaga, ‘yung acting ko kasi kaya ko minahal kasi outlet ko ‘yun. Para akong gutom, uhaw kapag hindi ako nakaaarte, so sa one year and half na nag-lockdown walang offer, walang acting projects, medyo na-depress ng kaunti.

Samantala, nasabi ni Christian na sa Bekis on the Run lang siya nagkaroon ng kissing scene sa kapwa lalaki at ito ay kay Sean de Guzman.

Aniya, “First time kong gumawa ng mga ganitong klaseng eksena. Nabasa ko kasi ‘yung script at ‘yung ibang hiningi ni direk (Joel) ay wala sa script pero once na nakapasok ka na sa shoes ng character at kung saan man dalhin ng direktor ‘yung shift kumbaga sakyan mo yun, eh.

“So, somehow magiging ready ka, so as an actor medyo may gulat factor sa pinagawa ni direk pero sige lang dahil alam kong sa maganda niya kami dadalhin.

“I think hindi ko rin siya ibibigay (kissing scene) kung hindi si direk Joel Lamangan at kung hindi ‘yung mga direktor na pinagkakatiwalaan ko at isa si direk Joel doon,” giit ng actor.

Bukod kina Christian at Sean, kasama rin sa pelikula sina Kylie Verzosa  Diego Loyzaga, at Lou Veloso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …