MATABIL
ni John Fontanilla
SI Marian Rivera-Dantes ang isa sa gustong makatrabaho ng model/businessman/actor na si Tom Simbulan.
Ayon kay Tom, “If papipiliin ako kung sino ang gusto kong makatrabaho among local female celebrity, ang gusto ko si Marian Rivera, kasi sobrang ganda niya, elegant ang dating at magaling umarte.
“Bukod kay Marian, gusto ko rin si Lovi Poe dahil bukod sa magaling din umarte attracted din ako sa Filipina beauty niya.
“Gusto ko rin si Beauty Gonzales, magaling siya mapa- drama at comedy. Kahit may anak na siya maganda pa rin.
“Pero ako naman kahit sinong ibigay sa akin para makatrabaho okey lang, hindi kasi maganda ‘yung namimili ka ng makakasama sa proyekto.”
Mas gusto ni Tom na malinya sa drama dahil ‘yun ang forte niya katulad ng mga paborito niyang aktor na sina Aga Muhlach at Richard Gomez.
At habang naghihintay pa ng proyekto ang tall, dark and handsome actor ay abala ito sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo, isa na rito ang PT Simbulan Hardware sa CM Recto corner Delpan, Tondo Manila.