Saturday , November 16 2024
Lightning Kidlat
Lightning Kidlat

Kidlat sanhi ng 5-oras na blackout sa Visayas

SANHI ng pagtama ng kidlat sa transmission at distribution lines sa lalawigan ng Cebu, nagkaroon ng malawakang pagkawala ng koryente sa iba’t ibang lugar sa Visayas noong Biyernes ng gabi, 20 Agosto,ayonsa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon kay Maria Rosette “Betty” Martinez, NGCP Visayas corporate communications and public affairs lead specialist information officer, bumalik sa normal ang koryente sa lahat ng bahagi ng Visayas pasado 5:00 am nitong Sabado, 21 Agosto, halos limang oras matapos mamatay ang koryente dakong 11:56 pm noong Biyernes.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Martinez, kidlat ang nauna nilang nakitang dahilan ng sabay-sabay na pagkasira ng mga linya sa Colon, (Naga) – Cebu lines 1, 2, at 3, at ang linya ng Colon-Quiot.

Nagsimula ang unti-unting pagbabalik ng koryente sa Cebu dakong 12:52 am hanggang 5:46 am sa Leyte-Samar, at 5:48 am sa Bohol, habang patuloy ang pag-aayos ng Isabel substation upang maibalik ang serbisyo ng koryente ng Leyeco V (Leyte Electric Cooperative Incorporated).

Samantala, sinabi ng Visayan Electric Company (Veco), sa isang advisory sa kanilang social media account, tatlong lugar sa ilalim ng kanilang prankisa ang hindi apektado ng blackout: lungsod ng Naga, at mga bayan ng Minglanilla, at San Fernando — pawang nasa timog na bahagi ng lalawigan ng Cebu.

Pinagsisilbihan ng Veco, pangalawang pinaka­malaking electric utility sa bansa, ang mga lungsod ng Cebu, Mandaue, Talisay, Naga at apat na muni­sipalidad sa Metro Cebu – Liloan, Consolacion, Minglanilla at San Fernando.

Dakong 3:00 am noong Sabado, sinabi ng Veco na naibalik na ang koryente sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa lungsod ng Cebu, at iba pang mga bahagi ng lungsod ng Mandaue at bayan ng Consolacion.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *