Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Upgrade Popinoy
Upgrade Popinoy

Upgrade pasok sa Popinoy ng TV5

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA sa grupong inaabangan tuwing Linggo ng gabi sa TV5 sa Popinoy ay ang Upgrade na kinabibilangan nina Casey Martinez, Rhem Enjavi, Mark Baracael, Ivan Lat, at Armond Bernas.

Ang Popinoy ay tagisan ng galing sa pagkanta, pagsayaw, at pag-perform ng mga grupong nakapasok sa daan-daang nag-auditon para mapabilang sa Top 11 Boys and Girls.

Hindi na baguhang maituturing ang Upgrade among groups na kasali, pero matagal-tagal na ring ‘di nakapagpe-perform ng sama-sama ang grupo simula ng mag-lockdown dahil na rin sa kawalan ng shows.

Pero nang mabalitaan ng mga ito ang audition sa Popinoy, muling nabuo ang grupo at nagdesisyong sumali at ipakita ang kanilang talento.

At kahit ‘di nakatitiyak kung makapapasok,sumali pa rin sila dahil ang mahalaga, muli silang nagkasama-sama at nakapag-perform.

Sana nga ay umpisa ulit ito ng mas marami pang proyektong pagsasamahan ng grupo. Ang mga hurado sa Popinoy ay sina DJ LoonyoMaja Salvador, at Kayla Rivera with special guest judge. Hosted by Maine Mendoza and Paolo Ballesteros.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …