Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz, Sam Cruz
Sunshine Cruz, Sam Cruz

Sunshine umiwas sa socmed, tumutok sa paggagantsilyo

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

DAHIL nais niyang mapangalagaan ang kanyang mental health, binawas-bawasan muna ni Sunshine Cruz ang pagbababad niya sa social media.

Kaya, hindi muna niya binabasa o sinasagot ang mga mensaheng dumarating sa Messenger niya at iba pang social media platforms.

Maganda naman ang binalingan ng kasintahan ni Macky Mathay. At ang kaalaman niya sa paggagantsilyo eh, nagbunga at naglabas ng kanyang creativity. Mga blouse para sa mga dalaginding niya at cap sa minamahal. 

Idagdag pa riyan ang pagiging abala niya sa kusina at paghahain ng mga paboritong pagkain ng pamilya.

Naramdaman na ni Sunshine ang sakit ng magkasakit. Kaya lalo niyang iniingatan ang sarili para sa mga mahal sa buhay.

Ang request ni Sunshine, “Dear friends and family, I have said this po dati pa that i don’t usually open my messenger. Sorry po I wont be able to read or reply to your queries or requests. For now, I am trying to focus sa ibang activities like crocheting, cooking and just being around my children and paw babies. Doing so helps with my mental health. 

“Stay safe and God bless! 

Maging abala sa ibang bagay habang naghihintay sa mga susunod na proyekto.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …