Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonton Gutierrez Glydel Mercado
Tonton Gutierrez Glydel Mercado

Tonton hinikayat magpabakuna ang publiko  

Rated R
ni Rommel Gonzales

HINDI problema kay Tonton Gutierrez kung lock-in o hindi ang taping. Ang mahalaga sa kanya, may mga trabaho sila.

Sa isang panayam, natanong si Tonton kung ok ba sa kanya ang lock-in taping.

“It all really depends on the production, ‘no?

“Kami naman very flexible. Kung kailangan talagang ituloy ‘yung ganoon na may lock-in, payag naman din kami.

“Kung hindi rin naman, kung wala na, back to ‘yung dating gawi na after taping uwian ok lang din naman kami.

“So we’re very flexible, walang problema.”

Sinabi pa ni Tonton na bakunadao na sila ni Glydel Mercado laban sa COVID-19.

“We are fully vaccinated, kaming dalawa ni Glydel at ‘yung panganay naming anak na si Aneeza. Pfizer ang aming vaccine.”

Ano ang mensahe nila sa mga taong ayaw magpabakuna? 

“Alam n’yo, kanya-kanyang opinyon ‘yan, eh! Kasi maraming tao ang natatakot sa bakuna.

“Na baka masama ang epekto, ganyan. Sa akin lang naman, ang iniisip ko eh kung may masamang epekto ang bakuna, kung kunwari ang iniisip nila eh nakamamatay eh ‘di sana marami ng namatay, kasama na kami,” at natawa si Tonton. 

“No, but seriously, importante ‘yung bakuna, it will save your life, your family’s lives.

“Huwag ng matakot, magpabakuna na para sa ikabubuti ng sarili mo at ng lahat,” sambit pa sa ni Tonton nang nakausap namin sa telepono ilang araw ang nakakaraan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …