SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PINUSAN ng netizens ang pagbabahagi ng Senador at presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson Sr., ang pakikipag-bonding niya sa kanyang apong si Mimi.
Si Mimi ay anak ni Iwa Moto sa panganay ni Sen. Ping, si Pampi Lacson. Si Mimi rin ang sinasabing artistahin ang dating kaya naman may isa ng produktong kumuha rito para maging endorser nila
At noong Linggo, ibinahagi ni Sen. Ping ang bonding time nila ng kanyang apo, iyon ang pagbuo nila ng puzzle na nakakapagpabata sa senador.
Sa pinusuang picture ng mag-lolo may caption iyong, “@iampinglacson Doing puzzles with apo is what keeps me young.”
Nakakuha ng kulang-kulang 500 likes ang Instagram post na iyon ng Senador na ka-tandem si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa darating na eksiyon sa 2022 bilang bise president.