Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta. Maria 
Jodi Sta. Maria 

Jodi kay Direk Dolly — We’re blessed with good director

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG ganda ng trailer ng TV series na Love Beneath the Stars kaya naman super proud talaga ang mga producer na sina Omar SortijasDirek Derick Cabrido, at Jodi Sta. Maria dahil mapapanood na ang 6-weeks nito simula Agosto 16 sa iWantTFC tuwing Lunes na idinirehe ni Dolly Dulu at siya rin ang sumulat.

Ito ang TV series ng pelikulang Boy Foretold by the Stars na nanalo ng 2nd Best Picture sa nakaraang 2020 Metro Manila Film Festival bukod pa sa Best Original Sound Track at Gender Sensitivity Award.

Sa virtual mediacon ng Love Beneath the Stars, abot-abot ang pasalamat ng buong cast sa pangunguna nina Adrian Lindayag at Keann Johnson kasama sina Romnick SarmentaNikki Valdez, Victor Silayan, at Agot Isidro sa magandang feedback mula sa media na nakapanood ng screening bago ito ipalabas sa Lunes.

Bilang isa sa producer ay talagang hangang-hanga si Jodi sa resulta dahil ang ganda ng pagkakasulat ni direk Dolly.

“Every story naman talaga is worth telling ‘di ba and maganda rin talaga ‘yung mga dramatic points ng pelikula. The characters are so relatable. Alam mo ‘yung kilala natin sila. I guess that’s why when you watch it, it has that effect on you. It is a person’s heart that you’re watching eh. It’s their story there and regardless of gender or race or social status, parang love is really universal,” pahayag ni Jodi.

Dagdag pa, ”Napakaraming pinagdaanan ng pelikula bago siya nailabas and we’re just so happy na after so many redirections na nangyari sa pelikula, naging Second Best Picture tayo, nanalo tayo ng Gender Sensitivity Award, and we’re just blessed with a good directors and good actors so I couldn’t ask for more.”

At ngayong mapapanood na ang series sa Agosto 16 ay pinasalamatan ni Jodi ang iWantTFC at Dreamscape Entertainment na naging behikulo para magkaroon ng follow-up ang Boy Foretold by the Stars.

“Nagpapasalamat siyempre unang-una sa Dreamscape, sa iWant TFC, direk Dolly thank you for sharing your story with us. Gusto ko rin i-commend ang ating cast.

“Thank you so much for sharing your talent and for doing such an amazing job breathing life into the characters, and thank you rin sa lahat ng tumulong sa atin to get the message out there and doon sa mga sumubaybay sa ‘The Boy Foretold By the Stars.’ Ito na ‘yung series na hinihingi niyo, na inaabangan ninyo, iniintay ninyo. Sana makasama pa rin namin kayo sa journey ni Luke at ni Dominic. Ingat kayong lahat. Please stay healthy and stay safe. God bless you all,” say ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …