Saturday , October 23 2021
Keann Johnson, Dolly Dulu, Adrian Lindayag
Keann Johnson, Dolly Dulu, Adrian Lindayag

Direk Dolly mas na-challenge sa series kaysa movie

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SOBRANG overwhelmed si Boy Foretold by the Stars director Dolly Dulu dahil gusto ng Dreamscape Entertainment na ituloy ang kuwento ng pag-iibigan nina Luke (Keann Johnson) at Dominic (Adrian Lindayag) thru series. Sobrang nabitin ang lahat ng mga nakapanood kaya dapat may follow-up, ang Love Beneath the Stars.

Kuwento ni direk Dolly, “After ng movie, nag-message na ‘yung Dreamscape sa amin na they wanted to continue this. Mas gusto nila ‘yung series and mas okay din gumawa ng series compared sa movie. So ‘yun ‘yung isa sa main reasons.

“Gusto kasi nila mas makilala pa ‘yung mga character kasi sa series mas mahaba siya, episodic siya, so ‘yun ‘yung naging goal namin. We wanted people to relate more kung sino ba talaga si Dominic at si Luke. So ‘yun ‘yung reason kung bakit siya ginawang series.”

Inaming na-challenge si direk Dolly na sulatin ang series kompara sa pelikula.

“Parang madali and mahirap. Mahirap kasi magsulat ng series. It’s actually my first time writing a series. I’ve produced series for iWant pero noong ako na mismo ‘yung nagsulat ng series mahirap siya compared sa movie kasi para kang gumagawa ng pelikula every isang episode.

“Pero ‘yung thing is sa series is lagi siyang may highs and may lows so it always has to end with a bang. Lagi siyang may ganoon, may cliffhanger siya sa dulo. Eh sa pelikula, isang dire-diretso lang siya.

“So roon ako nahirapan in terms of transitioning sa pagsusulat pero in terms of sa laman ng kuwento hindi ako nahirapan kasi siguro kilalang- kilala ko na, actually sobrang daling buuin kasi kilala ko na ‘yung mga character ni Dominic at ni Luke,” pag-amin ng direktor.

Ano ang pagkakaiba ng Love Beneath the Stars sa ibang BL shows?

 “Siguro ‘yung tema, ‘yun ‘yung nagbago. Kasi the theme of the movie was really believing in one’s destiny and believing in your soulmate.

“And then ‘yung theme kasi nitong series it focuses more on commitment. ‘Yan ‘yung pinaka-tema ng six episodes na ‘to. Pinagtagpo na kayo ng tadhana, now the really challenge comes on how you stay committed to the relationship that fate brought to you.

“Roon ako umangkla. Hindi lang siya puro happy kilig moments. May maturity involved for all the characters kasi lahat sila may natutunan sa bawat isa at sa lahat ng nangyari sa pamilya, sa eskuwelahan at sa sarili,” paliwanag pa ng direktor.

Kagabi, Lunes unang napanood ang 1st episode ng Love Beneath the Stars sa iWantTFC sa pangunguna nina Adrian at Keann kasama rin sina Nikki Valdez, Agot Isidro, Romnick Sarmenta, Victor Silayan, at Iyah Mina.  

About Reggee Bonoan

Check Also

Hipon Girl nagpabaha ng luha sa MPK

TOTOHANAN ang naging pag-iyak ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa ilang eksena niya sa brand …

Kim sobrang nalungkot sa pagyao ng manager

NAGLULUKSA ngayon si Kim Rodriguez sa pagyao ng kanyang manager at tumatayong pangalawang ina, si …

Joey binanatan ang mga nagkakalat ng fakenews: Si Tito ang iboboto ko!

ALIW talaga magbasa sa mga opinyon ng Poet Niyo na si Joey de Leon. Ang …

Katotohanan sa hiwalayang Aljur at Kylie lalabas din

AND Aljur Abrenica breaks his silence. Sa pinag-uusapang hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla. …

Madam Inutz, Daisy Lopez, Wilbert Tolentino

Madam Inutz umaariba ang career

SUPER bongga ang career ni Madam Inutz (Daisy Lopez) o ang tinaguriang mama-bentang live seller …

Leave a Reply