Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kitchie Benedicto Nora Aunor
Kitchie Benedicto Nora Aunor

Nora naging artista dahil kay Kitchie B

HATAWAN
ni Ed de Leon

NABUKSAN lang namin ang mga kuwento kung gaano kalapit ang broadcast executive na si Kitchie Benedicto noon kay Nora Aunor. Si Kitchie ang nagbigay ng break kay Nora sa TV, nang bigyan siya ng show kasama ang noon ay jukebox king na si Eddie Peregrina sa The Nora-Eddie Show at nang maaksidente at yumao ang jukebox king, doon na nagsimula ang solo ni Nora, ang Superstar. Gamit pa nila ang music ng Jesus Christ Superstar ni Andrew Lloyd Webber na kinopya ang title na ibinigay kay Nora.

Si Kitchie rin ang kasama noong magpakasal sina Nora at Boyet (Christopher de Leon) sa isang beach sa La Union. Si Kitchie ang dahilan kung bakit naging stockholder ng kanilang network si Nora.

Totoo iyon, galit na galit si Kitchie noong may magnakaw ng pera ni Nora. Aba pilit ba namang kami ang tinatanong kung sino ang nagnakaw ng pera ni Nora. Iyong mga nakaaalam kung sino nga ang nagnakaw ng pera ni Nora, mga yumao na eh kagaya ni Kuya Germs at ni Kitchie nga. Roon naman sa mga buhay pa, ewan namin kung magsasalita kagaya ni Baby K. Pero kami, huwag ninyo kaming pipilitin baka may masabi pa kami.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …