KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas
“NAGPUNTA ako ng Amerika, ‘di ba? Tumaba ako pero kaunti lang, may lumiit sa akin. I had my chest reduced.”
‘Yan ang walang takot na pagtatapat ni Sharon Cuneta sa zoom press conference noong August 4 para sa pelikula n’yang Revirginized na ipalalabas sa Vivamax streaming platform ng Viva Films sa August 6.
Nagpasya si Sharon na aminin ang surgery dahil paulit-ulit na nalalaglag ang strap ng bra n’ya habang nagaganap ang presscon.
Bulalas ng Megastar, ”Sorry itong strap ng… pwede bang magsabi ng something. Nagpunta ako ng Amerika, ‘di ba? Tumaba ako pero kaunti lang, may lumiit sa akin. I had my chest reduced!”
Dinugtungan n’ya ‘yon ng mahabang paliwanag: ”I gained so much weight and then I breastfed Miel (bunso nila ni Sen. Kiko Pangilinan. And after gaining and losing, a lot if it was skin and fats.
“No, I didn’t have implants. It was all natural. But it’s all skin and fats and so I had it reduced.”
Inamin din si Sharon na sumailalim siya sa breast lift procedure.
“Oo naman,” mabilis na sagot ni Sharon nang itanong ng presscon moderator na si Giselle Sanchez kung puwedeng isulat ang breast reduction and breast lift na ginawa sa kanya.
“Sinabi ko na ‘yan sa Instagram. Mayroon akong ipinost na ‘tingnan niyo nang mabuti itong picture namin ni Pawie…’
“Kami ni Pawie yata ‘yon, yung naka-bathing suit ako sa movie, ‘kasi baka may liliit ho riyan, eh.”
“Pawie” ang term of endearment ng megastar kay Marco Gumabao, ang leading man niya sa Revirginized.
Nilinaw ni Sharon na bilang tao, ‘di sya attracted kay Marco. Sa takbo lang ng istorya ng pelikula siya attracted sa anak ng dating aktor na si Dennis Roldan.
Bulalas na naman negastar: ”Dyusko, anak ko na ‘yan, younger than KC [Concepcion, her eldest daughter]. In the movie, I call him Pawie.
Dagdag na paliwanag pa ng misis ng senador: ”Usually, when it’s someone his age that I work with, I call him son, anybody, son or anak.
“With Marco, I tried to keep it really straight. ‘This is Pawie, this is my honey in the movie.’
“So, hanggang promo, pinaninindigan ko ‘yon for the sake of the movie.”
Sabi pa ni Sharon tungkol kay Marco, ”But he’s a dream to work with because he is professional. He is obviously the heartthrob of Viva now.
“He’s a good boy. We’re both Christians and, you know what, he’s a friend of mine.”
Samantala, ipinagluluksa ni Sharon ang pagyao ng impersonator n’yang si Ate Shawee, na Marvin Martinez sa totoong buhay.
Si Ate Shawee, 48, ay binawian ng buhay noong July 26, dahil sa liver cirrhosis.
Delayed ang reaction ng megastar dahil noong August 1 lang siya bumalik mula sa U.S. Noong Mayo pa siya nagpunta sa Amerika.
Pagbubunyag ni Sharon sa Instagram n’ya, ”I had deliberately, totally ignored my Philippine phones in the U.S. and enjoyed the radio silence using only my U.S. phone.
“… it was a SHOCK to me to find out that my Official and favorite impersonator, Marvin, our Ate Shawee, had been sick and passed away…I sincerely, deeply am affected by his passing.”
Ipinagtapat din ni Sharon na hindi lang ang pagpanaw ni Ate Shawee ang kanyang ikinalulungkot.
May mga pinagdaraanan din daw ang megastar, pero hindi na siya nagdetalye.
Lahad n’ya, ”And not just Marvin…I will spare you details of others I have lost recently too, as well as what I have been having to deal with.
“May mga dinadala pa po ako ngayon pero ayoko ng sad kayo kaya pakipagdasal na lang po ako.
“Salamat sa Dios okay naman kami ng pamilya ko kaya ‘yun ang importante.”
Ito rin ang dahilan kung bakit tahimik si Sharon pagdating sa bansa, ”dahil may mga problemang kailangan lagpasan.”