Rated R
ni Rommel Gonzales
MAAANTIG ang puso ng mga manonood sa nakai-inspire na kuwento ng isang babaeng may cancer at ang misyon niyang maging biyaya sa ibang tao sa all-new episode ng Magpakailanman sa Sabado, August 7.
Bida sa episode na pinamagatang I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story ang real-life couple na sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez. Makakasama rin nila sina Kiel Rodriguez, Jeniffer Maravilla, at Jeremy Sabido.
Isang mapagmahal na asawa si Lynlin (Glydel) kay Waldo (Kiel). Labis niyang hinahangaan ang asawa sa kasipagan at kabutihan nito lalo na sa kapatid na si Eddie (Tonton) na nalulong sa bisyo matapos iwan ng asawa.
Tunghayan ang natatanging pagganap nina Glydel at Tonton sa fresh episode ng Magpakailanman sa Sabado, 8:00 p.m., sa GMA-7.