SHOWBIG
ni Vir Gonzales
MARAMING followers ng Ang Probinsyano ang nag-react sa eksenang brutal slaying ni Aya Fernandez who played the role of a Nurse na pinahirapan at pinatay ng karakter ni Simon Ibarra.
Karamihan sa mga umaalma ay mga nanay na nanonood ng serye ni Coco Martin sabihin mang for general patronage dahil kasa-kasama nilang nanonood ang kani-kanilang mga anak.
Nag-aalala ang mga ina nab aka magka-trauma ang mga anak nila kapag ganitong uri ng pagpatay ang ipinakikita sa free television.
May nagtatanong nga kung paano nakalusot ang mga ganoong eksena ng serye. Sana raw iwasang magpakita pa muli ng ganitong uri ng paghihiganti ng mga criminal.